BLESSY EXCITED akong lumabas ng bahay nang marinig ko ang pagdating ng sasakyan ni Dux. Galing siyang sementeryo para dalawin uli si Ate Imelda bago kami bumalik sa Bulacan. Hindi na kami sumama ng mga bata dahil dumalaw na kami roon nang dumating kami dito. Pero nagulat ako nang makita kong may kasama siyang babae na bumaba ng sasakyan. Lumamlam ang mga mata ko nang makilala ko kung sino iyon. Ramdam ko ang tuwang lumukob sa puso ko as I saw her. Ngunit pag-alangan at pag-aalala ang nakita ko sa mukha ni Teacher Maureen nang magsalubong ang aming mga mata. “Hi, babe!” Masigla na lumapit sa akin si Dux habang kasabay si Teacher Maureen. “Look who’s with me.” Hinayaan ko na nakapaskil sa aking mga labi ang isang palakaibigang ngiti nang salubungin ko silang dalawa para agad iparamdam k