BLESSY “CLAY, baby, ‘di ba gusto mong pumunta sa Disneyland?” narinig ko na tanong ng aking asawa sa anak ko. Mas malambing kaysa sa karaniwan kung pakikitunguhan niya ngayon ang anak ko na ipinagtataka ko. Actually, kanina pa ako naguguluhan sa ikinikilos ng asawa ko. Inaasahan ko ang galit at pagwawala niya sa oras na dumating siya. Lalo at narinig ko sa mga tauhan niya na wala raw silang naisalba na kahit ano sa nasunog na laboratory. Sa halip ay kabaligtaran niyon ang ipinapakita ngayon ng asawa ko. Masaya at masigla pa siya. Na para bang walang nawala sa kaniya. “Yes po, Daddy! Pupunta po tayo doon?” excited namang tanong agad ni Clay. Matagal na talaga niyang inuungusan ang asawa ko na pumunta sa lugar na iyon. Kahit ako ay humihiling din para sa aking anak. Pero hindi kami mapagb