BLESSY DAHAN-DAHAN akong sumunod sa library nang matanaw ko sina Dux at Tita Virginia na magkasunod na tumungo roon. Sinundan din sila ni Cayah. Parehong di maipinta ang mga mukha nilang tatlo. Ngunit kitang-kita ang lamang na galit ng asawa ko. Huminto ako nang makarating ako rito sa labas. Iniwasan ko na maglikha ng ano mang ingay. Tamang-tama na walang ni isang bantay sa paligid. Hindi rin naka-lock ang pinto kaya sobrang ingat na pinihit ko ang doorknob at saka dahan-dahan na itinulak nang bahagya para marinig ko ang ano mang pag-uusapan nila. Eksaktong may nabasag na naman na kung ano sa loob dahil mukhang nagwawala na naman si Dux. Dahil sa lakas ng kalabog niyon kaya hindi na nila naulinigan ang mahinang pagbukas ko ng pinto. Nakahanda naman na ang mga alibi ko kung sakali mang