BLESSY BUMAGSAK ang mga luha ko dahil hindi ko na alam ang gagawin sa mga sandaling ito. Kapag nagsinungaling ako kay Brandon, lalo lang siyang magagalit sa akin kapag hindi tumugma sa mga nalalaman na niya ang sasabihin ko. At kapag hindi ko naman sinabi ang gusto niyang marinig, paniguradong buhay ni Cayah ang kapalit. Dux! Nasaan ba kayo? Bakit wala pa rin kayo hanggang ngayon? I badly need you here. Lalong dumami ang luhang dumaloy sa magkabilang pisngi ko pero wala man lang akong makitang awa sa mga mata ng asawa ko. “I don’t have much time to wait for your answer, Blessy.” Sa halip ay matalim ang mga mata na tumingin siya sa akin. “Sa loob ng isang minuto na hindi ka pa rin nagdedesisyon, gagawin ko na kung ano ang gusto kong gawin.” Ramdam ko na lalo akong namutla. “W-why are yo