Chapter 57-MY BROTHER IS MY HUSBAND

1717 Words

BLESSY HALOS manakit na ang tiyan ko sa kakatawa habang pinapanood ko ang aming mga asawa na sumasayaw ng Binibining Marikit. Minsan ko nang napanood ang ganitong performance ng mga Monreal at mga kaibigan nila sa pagle-lead ni Tito Bernard, noong unang punta namin dito. Pero hanggang ngayon ay aliw na aliw pa rin ako. Siguro dahil kasama na nila ngayon ang asawa ko. “O, Blessy? Ano ang feeling na makita ang asawa mo na sumasayaw ng Binibining Marikit?” tumatawang tanong sa akin ni Tita Reza. Halos maiyak na rin siya sa kakatawa habang vini-video-han niya ang kaniyang asawang si Tito Kieran. “Na-in love ka ba lalo o na-turn off ka kay Mayor?” biro pa niya sa akin. “Nakakatuwa po sila, Tita Reza. Lalo na sina Tito Kieran. Parang hindi mga senior citizen kung mag-perform, eh. Todo-bigay.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD