bc

Rejected Bride of the Billionaire

book_age18+
65
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
dominant
bxg
office/work place
virgin
wife
husband
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Billionaire Series #2 - Davien Denovan

R-18+ Mature Content

Reader's discretion is advised.

Davien Denovan, an intimidating yet captivating Billionaire, finds himself setting foot in the Philippines again-- the place he loathed the most. He wouldn't have returned if it weren't for the news of his father's death and inherited properties.

Being labeled as The Taylor's outcasted daughter, Natalia Taylor finds herself in the arms of the man she rejected five years ago. Bound by a contractual relationship, Damon made it clear that he rejected her as his bride.

chap-preview
Free preview
Chapter One - Tears
This contract is entered into by Denovan and Taylor on the 4th of April... Ayon sa paniniwala ni Natalia ang ika-apat na araw sa buwan ng Abril ang pinakamalas na araw sa buong taon at mukhang totoo nga ang paniniwalang iyon. Muli niyang ibinalik sa loob ng envelope ang kopya ng kontrata. Hindi niya na ito ninais pang mabasa, malinaw na rin sa kanya ang laman ng bawat pahina. Tumunog ang orasan palatandaang hating-gabi na. Ito ang unang araw niya sa bahay ng mga Denovan. Ang unang araw ng kanyang pagiging pekeng asawa sa bilyonaryong tagapagmana. Napatingin siya sa nakabukas na pinto nang marinig ang mahinang tunog ng piano. Para siyang hinihikayat na lumabas at hanapin ang pinagmumulan nito. "Natalia, alam mo namang kabilang sa mga batas niya na huwag mag-gagagala sa loob ng bahay sa pagsapit ng hating gabi." Pabulong niyang turan sa sarili. Nilamon ng kyuryusudad, idagdag pa ang likas na katigasan ng ulo ng dalaga ay walang takot niyang sinuway ang batas ng binata. Tahimik siyang nakatayo sa malawak na sala, nililibot ng tingin ang bawat sulok, sa kanyang mga mata ay makikita ang pagkamangha. Pinupuri ang kadiliman at ang akin nitong ganda. "Napakatahimik, para akong nag-iisa." Nasabi niya na lang nang may buong paghanga. Nasa ganoon siyang posisyon nang may kuminang sa kabilang dulo. Naagaw niyon ang kanyang atensyon. Napakunot ang kanyang noo nang makita ang isang kwintas na may pendant na gawa sa diamond. Nakasabit ito sa isang marbled urn. Hindi lingid sa kanyang kaalaman kung ano ang laman ng banga. Hindi si Natalia ang tipo ng babaeng maarte, lalong hindi rin siya ang tipo ng babaeng naniniwala sa talinghaga at kaluluwa. Bibitawan niya na sana ang kwintas nang dumating ang binata. "Don't touch it!" Umugong ang sigaw nito sa buong bahay. Dulot ng pagkabigla ay nahila niya ang kwintas dahilan upang mahulog ang banga at nabasag ito sa sahig. "No!" Nakakatakot na sigaw mula sa binata ang lumukob sa karimlan dahilan upang mapaatras siya. "Don't touch her!" Singhal nito sa kanya. Napatingin ang dalaga sa basag na urno at sa nagkalat na abo. "What have you done!" Parang mabibingi siya sa sigaw nito. Dali-dali niyang pinulot ang piraso ng basag na urno ngunit tinulak siya ng binata. Pasalampak siyang napaupo sa sahig habang pinagmamasdan ang binata na pinupulot ang mga basag na piraso. "I'm sorry, Mr Denovan. Nabigla kasi--" "Shut up!" Nanlilisik ang mga matang turan ng binata. Gayon pa man ay hindi siya nagpatinag, gumapang siya at tinulungan itong limasin ang abo na nasa sahig. "I said don't touch her!" Sigaw nito sabay hila sa kanyang braso patayo. "I told you not to touch it!" Napapikit siya sa sigaw nito at dahil na rin sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya. "Gusto ko lang tumulong." Saad ng dalaga na agad namang napakuyom nang makita ang nagngangalit na titig ng binata. "I don't need your help." Nanonoot sa kanyang laman ang lamig ng boses ng binata. "And if you really wanna help, you shouldn't have touch it nor wander around my house!" dugtong nito. "Mr Denovan, maayos naman natin ito, mapapalitan ko naman ang urno. Bibili ako ng bago, mas maganda at ililipat natin ang abo niya doon ha." Pangungumbinsi niya sa binata sa pag-asang mapapakalma ito. Sa isip niya ay biglang sumiklab ang pagnanais na malaman kung kaninong abo iyon. "Papalitan? Who are you to say that? Wala nang mas mamahal pa sa urnong iyan, Natalia. Hindi mo 'yan mababayaran kahit pa magtrabaho ka habang buhay." Halos magpigil siya ng hininga sa harap ng galit na binata. Napatingin siya sa nagkalat na abo at saka naglakas loob na tinanong ang binata. "K-kanino ang abong iyan?" nanginginig niyang tanong. Napaigtad siya sa sakit nang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. Kinaladkad siya ng binata, nais niyang kumawala ngunit wala siyang magawa. "You wanna know whose remain you just disrespected, right?" Bulong nito sa kanyang tenga. Marahas siyang itinulak nito dahilan upang masadlak siya sa sahig. Sa gitna ng kadiliman ay nangangapa niyang inabot ang pader. Napakunot noo siya nang maramdaman niya ang tila magaspang na papel. Umihip ang malakas na hangin at nilipad nito ang kurtina sa katapat na bintana dahilan upang pumasok ang liwanag ng buwan. Napatingala siya. Napaawang ang kanyang bibig nang makita ang napakalaking larawan. "Cathalia?" Bulalas ni Natalia nang makita ang larawan ng kapatid. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang mag-sink in sa kanya ang lahat. Hinarap niya ang binata saka tiningala ito, nais niyang sabihin dito ang takot na nararamdaman ngunit hindi ito niyon batid. "You-- you are Damon Denovan?!" Bulalas ng dalaga habang nanatiling nakasalampak sa sahig. Ang buong akala niya ay ang pinsan nito ang kanyang makakaisang dibdib. Sa aandap-andap na liwanag ay nakita niya ang pagkamuhi sa mga mata nito. Yumuko ang binata at hinawakan nito ang kanyang baba. "Surprised?" bulong ng binata saka kumurba ang labi nito. Muli siyang napatingin sa larawan ng kapatid at muling nagbalik sa kanyang ala-ala ang mga dinanas niya sa kamay nito at sa sarili niyang pamilya. "But Damon is my Fiance!" Hindi makapaniwala niyang turan nang malaman na ang kapatid niya na si Cathalia ang ipapakasal dito. "Not anymore, Natalia." Sagot ng kanyang step mother "Pa!" Baling niya sa ama ngunit tinalikuran lamang siya nito habang si Cathalia naman ay prenteng nakaupo lang sa sofa. Parang mababasag ang kanyang puso sa isiping ang tunay niyang ama na bukod tangi niyang inaasahan na poprotekta at kakampi sa kanya ay tinalikuran siya. Dali-dali siyang lumapit sa kapatid saka lumuhod sa harap nito. "Cathalia, please? Bata ka pa naman, maganda at nasa sa 'yo na lahat. Nakapagtapos ka pa ng pag-aaral, kami naman ang magkababata ni Damon eh." Nabigla siya nang biglang lumingon sa kanya ang kapatid na puno ng galit ang mga mata. "Ate, ikaw lang ang naniniwalang kayo ang magkababata ni Damon. He doesn't even know you existed. Kaya kung ako ikaw huwag mo nang tangkain pang magpakilala dahil mapapahiya ka lang." Tinabig nito ang kanyang kamay kaya siya napahawak sa manggas ng bestida nito. "Marami pang lalaking magkakagusto sa 'yo. Parang awa mo na." Pagsusumamo niya. "And what? Magtitiis ako sa mga hampas lupang lalaki? Damon can give me everything I want. I am pretty. I have the brain. I deserve to be a Denovan." Taas noo nitong turan. "But it was me, ako ang pinangakoan--" Cathalia cut her off. "Ikaw ang pinangakoan ng daddy niya-- not Damon." Para siyang hinampas mg katutuhanang iyon. May punto si Cathalia, ang kasunduan ay sa pagitan ng ama ni Damon at ng kanyang ama. Ano nga naman ang panlaban niya gayong hindi na rin nakikiayon ang kanyang sariling ama. "Disiplinahin mo nga 'yang anak mo, Arturo." Dinig niyang turan ng kanyang step mother. "Please, Cathalia--" this time ang kanyang ama naman ang bumara sa kanya. "Natalia, tama na." Saad nito saka siya pilit na pinapatayo. "Dad." Sambit niya saka niyakap ang ama ngunit inilayo siya nito bagay na mas lalong ikinawasak ng kanyang puso. "Dad, help me. It should be me." Humagulhol niyang turan. "I'm sorry, Natalia. But this is the best for our family." Parang nanigas ang kanyang buong katawan nang marinig ang sinabi nito. Hindi niya lubos maisip na ito pa mismo ang tatalikod sa kanya. "Why?" Namamaos ang boses niyang tanong dito. "I don't understand why it's always me. Bakit ako ang kailangang laging umintindi. Bakit ako ang laging magpaparaya?" Buong puso niyang ibinuhos ang saloobin sa harap ng mga ito ngunit wala siyang nakuhang sagot. Lumapit sa kanya si Cathalia at niyakap siya ng mahigpit. Nakangiti namang nakatingin sa kanilang dalawa ang ama. "Don't worry, Ate. Hindi naman kita pababayaan." Saad nito. Alam niyang umaakto lamang ito sa harap ng kanyang ama. "See, Natalia. Iniisip ka pa rin ng kapatid mo." Nakangiting turan ng kanyang ama. Ngunit kabaliktaran iyon sa ibinulong nito sa kanya. "Kung hindi ka naman kasi pabaya sa katawan. Kung sana ay may pinag-aralan ka lang, 'di sana ikaw ang mapapangasawa ni Damon." Napapikit si Natalia habang pinapakinggan ang masasakit na salitang binitawan ng kapatid. Humiwalay ito sa kanya. Hindi niya napigilan ang sarili ay nagpakawala siya ng isang malakas na sampal. Bagay na ikinabigla ng mga magulang nila. Bago pa man maipahayag ni Natalia ang saloobin ay nakatanggap na siya ng isang malakas na sampal mula sa ama. "How ungrateful!" Bulyaw nito sa kanya saka nito niyakap si Cathalia na para bang inaalo ito. "Cathalia never fails to understand a failure like you! I know how much you hate your half sister but Cathalia always got your back! Sana noon pa lang nakinig na ako sa mommy mo-- to disown you!" Namumula ang mukhang turan ng kanyang ama. Nanlaki ang kanyang mga mata sa takot. Ang ama niya na lang ang pamilyang mayroon siya. "No, Pa! I'm sorry. I'm sorry!" Agad niyang inabot ang kamay ng ama ngunit tinabig siya nito. "I'm sorry, Natalia. You have to learn your lesson. You're getting out of hand. From now on you are not a member of our family. I am stripping you off the Taylor's name and you will not be given even a portion of my will." Malamig ang boses at walang kaemo-emosyong turan nito. Walang ibang nagawa si Natalia kundi ang manginig sa takot saka siya pabagsak na napaupo sa sahig. "Yes, that's it. I can see how you tremble. Scared?" Ang mga salitang iyon ni Damon ang humila sa kanya pabalik sa kasalukuyan. Saka niya lang namalayan na nanginginig na pala siya. Agad niyang nasapo ang mukha nang maramdaman ang walang humpay na pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Hinila siya ni Damon kaya siya napatingala. Nagtama ang kanilang mga mata. Habang walang pakundangan ang mga luha sa kanyang mata ay nakita niya naman ang gulat na ekspresyon sa mukha ng binata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook