Raina Nagpasya akong umuwi na muna ng mansion, kasama si Nanay Nena. Para mabago ang surroundings ko at para na rin makasama ang family ko. Nagpaalam ako kay Cielo at iginalang naman niya ang desisyon ko. "Naging wild ako, Mommy. Para akong nakawala sa hawla habang pinapanood ko 'yong hitsura ko sa video. Sobrang nakakahiya talaga. Hindi ko talaga alam 'yong ginawa kong 'yon. Wala akong matandaang ganun paggising ko kinabukasan." Ngumiti naman si Mommy. Isinumping niya ang ilang hibla ng buhok ko sa tainga ko. Kasalukuyan kami ngayong naririto sa silid nila ni Daddy. Nakahiga ako sa gitna ng kama nila. Si Daddy ay nasa likuran ko at abala sa laptop niya, habang si Mommy ay nasa harapan ko. Si Queenay ay nasa silid niya ngayon at abala pa sa homework niya. She is now in her 4th year of c