Raina TATLONG taon na ang nakalilipas ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa alaala ko ang tagpong 'yon sa pagitan naming dalawa ni Mr. Grey Eyes. Sinubukan ko siyang hanapin noon, ngunit hindi ko alam kung paano ko naman gagawin 'yon. Hindi na rin naman ito nagparamdam pa simula noon. Wala naman akong maalala na ex-boyfriend ni Harlie. Alam kong never siya nagka-boyfriend dahil kay Kuya siya patay na patay. But who the hell is that man? Hindi naman siya kampanyero sa simbahan na 'yon, ayon na rin sa ilang mga taong napagtanungan ko sa simbahan na 'yon. Hindi ko na rin kasi mabilang kung ilang beses ako nagtungo doon noon sa pagbabakasakaling magbalik doon ang lalaking 'yon. Isang taon akong nagpabalik-balik doon. Pero matapos niyon ay naisipan ko nang ihinto ang kabaliwan ko. Sigu