bc

Addicted

book_age18+
7.5K
FOLLOW
63.2K
READ
billionaire
dark
second chance
independent
bxg
secrets
pilot
prostitute
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

Addicted: Sandoval Series 3

Kiandre Ziar Sandoval is a son of a known billionaire.

At the club, he meets Arin-- a stripper. A woman with cold eyes and mysterious personality.

They had a one-night-stand- a night he was not able to forget.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
KIANDRE ZIAR SANDOVAL __ "I don't like this place..." I whispered habang iniikot ko ang tingin sa buong club. Amoy na amoy ko ang alak at sigarilyo sa loob. Maingay, maraming tao, maraming nagsasayawan at nagku-kwentuhan. Hindi ganoon ang tipo ng mga lugar na gustong puntahan. Akmang tatayo ako mula sa couch pero pinigilan ni Brayle at Helix ang mga balikat ko. "Dito ka lang. We'll enjoy the night," naka-ngising sambit ni Brayle. Helix chuckled. "C'mon, malapit nang magsimula ang real show." Napalunok na lang ako. Hindi ako komportableng makakita ng mga babae sa paligid ko na halos wala ng saplot. "U-Umuwi na lang kaya tayo? May... kailangan pa kasi akong aralin." "Psh, hindi mo na kailangang mag-aral. Malapit ka nang gumraduate dapat makatikim ka na ng... magagandang chicks, future Captain Sandoval." "Brayle--" "Watch," nakangising anito at inangat ang kamay niyang may hawak na baso ng alak sa direksyon ng stage. Nagsimulang magsayaw ang mga babae roon na kaunting-kaunting tapis lang ang nakatakip sa maseselang parte ng katawan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. "Sabihin mo lang sa akin kung sino tipo mo sa mga 'yan. Akong bahala," Brayle whispered to my ear. Nagbaba ng alak ang waiter sa mesa namin. Pinagsalin nila ako ng alak sa baso pagkatapos ay inabot iyon sa akin. "Oh, have a drink. Chill ka lang, bro." "I don't drink." "Psh, kahit kailan hindi ka pa nakakatikim ng alak?" tanong ni Helix. Marahan akong umiling at napaismid naman ang mga ito. "Ano ba 'yan. Hindi ka man lang tinuruan ng mga kuya mo sa inuman?" "Wala ka talagang kaibigan, ano? Mas lalo ngang dapat mong inumin 'to para matikman mo. Baka hindi mo na ayawan." Wala sa loob na kinuha ang baso mula kay Brayle. Nagdadalawang isip akong inumin iyon, but I still did try it. Halos mailuwa ko iyon nang matikman ko. It had bitter taste. Paano niya nasabing hindi ko iyon aayawan? Muling umismid ang mga ito. "Sa umpisa lang 'yan. Ubusin mo." Pinagdikit nito ang baso naming dalawa. "Diretso, sabay tayo." Kahit hindi maganda ang lasa ay tinungga ko pa rin ang isang baso. Pagkatapos no'n ay tumanggi na ako sa isa pa. They both giggled and shook their heads. They still couldn't believe na iyon ang pinaka-unang beses na nakainom ako ng alak. "Look at those girls, ang se-sexy," Helix said. Wala sa loob ng napatingin ako sa stage kung saan patuloy pa rin sa pagsasayaw ang mga babaeng halos wala ng saplot doon. Tinanggal ko rin agad ang tingin ko sa mga ito because I wasn't comfortable watching them. "Hi, honey..." a woman whispered in front of me at umupo ito sa tabi ko. Napalunok ako at agad umusog palayo rito pero may isang babae pang umupo sa tabi ko at agad niyapos ang braso ko. "You look so handsome..." Napatingin ako kay Brayle at Helix na nakaupo sa katapat na couch habang matamis na nakangiti sa akin ang mga ito. Akmang tatayo ako pero pinigilan ako ng mga babae sa tabi ko and they kept on touching me. Pinigilan ko ang kamay ng isa sa mga ito na unti-unting tinatanggal ang butones ng sleeves ko. Pinigilan ko rin ang kamay ng isa pang babae sa tabi ko na noon ay naglalakbay sa pagitan ng mga hita ko. "C-can you please... give me s-space?" Sa halip na bigyan ako ng space ay lalo pang pinagapang ng mga ito ang mga palad sa katawan ko. One of them even kissed the back of my ear, and I couldn't take that anymore. Mabilis akong tumayo. "Uy, san ka pupunta?" tanong ni Brayle. Nagmadali kong hinanap ang restroom. Huminga agad ako nang maluwag nang makapasok ako sa loob. Discomfort was well-written on my face nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ang puting sleeves ko and I again released a deep sigh habang nararamdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko. I should go home. I was only twenty at wala pa akong balak na magkaroon ng girlfriend... I almost had an experience, but... she said I was... boring. Napalamukos ako sa mukha ko. Ilang sandali pa bago ako lumabas ng restroom. Mas mabuti siguro kung pilitin ko na ang mga itong umuwi na lang ng bahay. I didn't want to spend my night in the club. I just wanted to... read books or sleep. Malapit na ako sa couch kung saan nakaupo ang mga ito kanina pero dumako pa ang tingin ko sa stage. Kusang huminto ang mga paa ko nang makita ko ang babae roon... napalunok ako dahil nakatingin ito sa akin. Hindi ako sigurado kung ako nga ba ang tinitingnan nito, but I felt like... our eyes were connected. Hindi ko makita ang kabuuang mukha nito dahil nakasuot siya ng pulang mask na kumikinang katulad ng suot niyang damit. Ganoon pa man, nakikita ko pa rin ang mapupulang mga labi nito, ang mahabang buhok niya na lampas hanggang dibdib. I could see her... pale skin-- her whole body na patuloy pa rin sa paggalaw sa ibabaw ng dance floor. Hindi ko alam kung bakit hindi agad ako nakapagpatuloy. Nanatili lang akong nakatingin rito habang unti-unti kong nararamdaman ang kabog sa dibdib ko. Maybe because... she was staring at me or perhaps because she looked... different? Hindi ko alam. Halos mapatalon ako nang maramdaman ko ang pagtapik sa balikat ko. "Mukhang nakita mo na ang tipo mo." I heard Brayle said. Mas lalo pa itong lumapit sa tainga ko. "Narinig ko kanina siya ang star ng gabi rito. Mukhang maganda. Akong bahala." Tila may sariling isip ang mga mata kong nanatiling nakatingin sa babaeng iyon. Alam ko noon na hindi lang ako ang lalaking nakakaramdam ng ganoon dahil ang bawat kalalakihan sa paligid ay taimtim na nakatingin sa kanya at ang iba ay naghahagis pa ng pera sa dance floor wanting her so bad. Naramdaman ko na lang na hinila ni Brayle ang braso ko. Dinala niya ako muli sa couch pagkatapos ay muli akong inabutan ng alak. Wala akong planong sundan pa ang kanina pero hindi ko alam kung bakit kinuha ko iyon at ininom bago ako muling tumingin sa dance floor. Isang shot lang iyon pero pakiramdam ko ay nag-init na ang buong katawan ko at nakaramdam na agad ako ng bahagyang pagkahilo. Mahinang tumawa si Helix. "After this night, sasampalin natin ang mga gagong nagsasabing bading ka, hmm?" "I will handle everything. Helix, make sure na hindi tatakas 'yan," ani Brayle at tumayo sa pagkakaupo. Sinundan ko lang ito ng tingin. Helix kept on teasing me. Matagal ding nawala si Brayle bago ito bumalik sa puwesto namin. "Let's go. We'll go to heaven." "W-what?" He giggled. Kinuha niya ang braso ko patayo at inakbayan ako. "Ihanda mo na ang sandata. Mapapalaban ka na ngayong gabi." Sinamahan niya ako sa loob ng isang silid. Mayroon malaking kama sa gitna at ilang kagamitan sa loob na tila ba isa iyong hotel room. I suddenly felt nervous. "I... I don't know what to do," sambit ko." "You don't have to worry. Siya na ang bahala sa'yo. She knows it's your first time here and you know..." nakangising anito. "Would you wait for me?" Mahinang tumawa ang mga ito. "Magpasundo ka sa driver niyo after this. Helix and I will also have fun here. Call me if you need help. I'll tell King and Zice na binata ka na." Lalo pa akong nakaramdam ng kaba nang tuluyan nila akong iwanan. Nagpatuloy lang ako sa pag-ikot ng tingin sa buong silid. I was thinking twice, I was thinking of backing out pero nakarinig ako ng tinig ng isang babae mula sa likuran ko. "Kiandre," Agad akong bumaling sa likuran ko. I immediately stiffened nang makita ko ang babaeng naka-mask sa dance floor kanina. "That's your name, right?" Hindi agad ako nakapagsalita at mahabang katahimikan ang nabuo sa pagitan naming dalawa bago ko mahanap ang tinig ko. "Y-Yeah... t-that's my—I'm—" I wanted to slap myself because of that. Parating nagkakanda-buhol-buhol ang dila ko sa mga ganoong pagkakataon. Hinawakan niya ang mask niya at unti-unti iyong tinanggal. Malaya kong napagmasdan ang magandang mukha nito lalong-lalo na ang mga mata nitong hindi ko nakitaan ng... emosyon. Muli kong naramdaman ang kabog sa dibdib ko lalo pa nang lumapit ito sa akin. Amoy na amoy ko ang matamis na amoy nito. Pakiramdam ko ay pumasok iyon sa buong pagkatao ko at mas lalo kong naramdaman ang panginginig ng buong katawan ko. Unti-unti nitong tinanggal ang butones ng suot kong sleeves na hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa mga mata ko. Sunod-sunod ang naging paglunok ko at sa bawat minutong lumilipas pakiramdam ko ay lalo lang lumalakas ang kabog sa dibdib ko. I felt like... like I wouldn't be able to handle the emotion... the heat, the heartbeat. I wanted to stop there. "I... I-- I will go home n-now." Akmang aalis ako pero mahigpit nitong hinawakan ang kuhelyo ko at mas lalo akong inilapit sa kanya na halos magdikit ang dulo ng ilong naming dalawa. I felt like drowning while looking in those eyes closely. "You're paid. I don't give refunds." I again absentmindedly gulped something down my throat because her breath just smelled so good. "Now... close your eyes," she again whispered. Lalo pang tumindi ang panginginig ng katawan ko at pakiramdam ko ay tumayo lahat ng balahibo ko sa pagbulong nito. I felt like... I was bewitched. Matagal kong tiningnan ang mga mata niya bago ko ipikit ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay tuluyan nang nalaglag ang puso ko nang maramdaman ang paggapang ng mga palad nito sa balikat ko papunta sa dibdib ko. Her hands... those hands just felt so warm. Tila pinapaso ako ng mga iyon ngunit tila may kakaiba rin sa mga palad nito na hindi ko magawang lumayo. Ilang sandali lang... Naramdaman ko nang lumapat ang mainit na labi nito sa mga labi ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

His Obsession

read
72.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook