Carmella Sunod-sunod na ring ng doorbell ang narinig nya mula sa pintuan na tila ba nagmamadali at taong nasa labas ng pinto. Sinulyapan nya ang orasan sa side table mag a-alas onse na ng gabi. "Ano naman gagawin ni Shawn ng ganitong oras dito?" tanong nya at tumayo mula sa pagkakahiga sa kama at naglakad palapit sa pinto. At natigilan sya ng nasa harapan na sya ng pinto. Ewan nya pero bigla syang kinabahan. Pakiramdam nya hindi si Shawn ang nasa labas, dahil hindi pumupunta si Shawn ng ganoong oras, isa pa tatawag o mag tetext ito kung pupuntahan sya nito sa unit nito na pinahiram sa kanya. "I know you are there Carmella, open this f*****g door ang talk to me!" galit na boses ng nasa labas ang narinig nya kasabay ang sunod-sunod na pag pindot sa door bell ng pinto. Natuptop nya ang bi