"HANNAH, gusto kong malaman mo na seryoso ako sa sinabi ko saiyo." Sambit ni Renz sa kanya nang maihatid siya mismo sa bahay. Halos parang kabisado ng boss niya ang pasikot sikot na daan papunta sa bahay niya. "Bakit? Dahil na-confirm mong si Anna din ako?" Deretsang sagot niya. Dahil nakakapagtaka ang ipinaparating nitong gusto siya nito. Hindi siya ganoon ka-attractive at alam niyang boring din siyang kasama dahil minsan lang siya magsalita. So, she can't see any reason upang magustuhan siya ng isang Renz Gio Castroverde. Kung isang ordinaryo lamang siguro ito kagaya niya ay baka sakaling makumbinsi siya, ngunit hindi. CEO ito ng isang malaking company. Kilalang tao at napakataas nang standards nito sa maraming bagay. Kaya naman nakapag tataka kung bakit siya? Women are willing to li