HINDI nila inaasahan na mahirap palang mag alaga ng anak. Hindi lang isa, kundi dalawa pa! Dobleng puyat, dobleng pagod ang naranasan nila sa kambal. Parehas iyakin ang dalawa. Basta umiyak ang isa ay asahan mong makikigaya ng iyak ang kakambal nito. Unang buwan ay halos ikabaliw na ni Carisse ang stress sa pag handle sa kambal. Minsan nga ay nakikiiyak din ito kasabay ng mga anak kapag hindi nito mapatahan ang mga ito. Kulang sa tulog at laging pagod na pagod. Mabuti na lang at kasama nya sina Manang upang iguide sya sa mga gagawin. Even Renz experience it. Dahil after sa trabaho ay ito ang nag aalaga sa mga anak. She insisted pero hindi ito pumayag. Alam daw kasi nitong maghapon syang napagod kakaalaga sa kambal habang sya ay nakaupo at pumipirma lang sa opisina. Kaya nga they both