03

1174 Words
Chapter 03 3rd Person's POV Napatayo si Felix matapos makita na nasa labas sina Darius at kasama nito ang transferee. "Felix! Saan ka pupunta?" Tumakbo si Felix palabas. Hinabol nito sina Heather at tinawag si Heather. "Heather!" Napatigil ang dalaga at napalingon. Lumapit si Felix at tiningnan sina Darius. "Saan niyo dadalhin ang transferee?" asik ni Felix at hinila si Heather palapit sa kaniya. Bully ang mga ito— araw-araw nasasangkot ang mga ito sa gulo. Lahat ng mga napapalapit dito ay mga napapahamak. "Hey Mr.President, bakit ba ang init ng dugo mo sa amin. Parang lagi kaming may gagawin na masama ah," ani ni Philip. Sumama ang mukha ni Felix. "Bakit? Wala ba? Kayo ang may kasalanan kung bakit namatay si Carlo diba? Pinatay niyo siya," ani ni Felix. Dumilim ang mukha ni Darius at hinablot ang kwelyo ni Felix. "Magdahan-dahan ka sa sinasabi mo. Wala akong pinapatay na kahit na sino," madilim na sambit ni Darius. Nataranta si Heather. Pumagitna ito na saktong tinulak ni Felix si Darius. Natumba si Heather matapos nito tangkain na saluhin si Darius 'nong ma-out balance ito. Nasa likod ng ulo ni Darius ang mga palad ni Heather magkapatong silang dalawa. Nahulog ang suot na salamin ni Heather sa sahig. Nagtama ang mata nilang dalawa— tila tumigil ang paghinga ni Heather matapos ma-realize na nawala ang salamin niya. Hindi naka-react si Darius. Nawalan ng kulay ang mukha ni Heather at napuno ng takot. "Ang— ang mata ko," bulong ni Heather. Tumulo ang mga luha ni Heather sa mukha ni Darius na naging rason para bumalik lahat ng senses ni Darius. Agad na bumangon si Darius at niyakap ang katawan ni Heather matapos isubsob sa dibdib niya. Hinubad ni Darius ang jacket niya at pinatong iyon sa ulo ni Heather para takpan ang buong mukha nito. "Tumabi kayo!" sigaw ni Darius. Kinuha ni Darius ang salamin ni Heather at hinila ito papunta kung saan. Basag ang salamin ni Heather. Sinundan sila nina Philip at nanatili si Felix na nakatayo. Nakatulala ito hanggang sa unti-unti magdilim ang mukha nito habang nakatingin sa mga kamay ni Darius na nakahawak sa kamay ni Heather. Ang lakas ng tibok ng puso ni Heather— wala siyang nakikita dahil sa jacket na nakapatong sa ulo niya. Tanging daanan niya lang ang nakikita niya. Takot na takot siya tanggalin iyon. Ayaw niya na ng gulo— gusto niya na ng normal na buhay. Patuloy sa pagtulo ang luha ni Heather. Dinala ni Darius si Heather sa art room. Inutusan ni Darius sina Philip na kumuha ng salamin na katulad nito sa clinic. Inabot ni Darius kina Philip ang salamin. Agad na sumunod sina Philip. Wala na sina Philip sa labas kaya nagsalita si Darius. "Masyadong maliwanag dito. Huwag mo muna tanggalin ang jacket— kukuha lang sina Philip ng bagong salamin." Napatigil si Heather matapos marinig iyon. Nag-hand gesture si Heather. Tinatanong nito kung anong ibig niyang sabihin na maliwanag. "Diba kaya ka umiiyak kanina dahil sumasakit mata mo?" tanong ni Darius. Napatigil si Heather— nagtama ang mata nila ni Darius mas matagal pa iyon. Paanong iyon ang naisip ni Darius 'nong makita nito ang mukha niya ng walang salamin. Iniisip nito na umiyak siya dahil sa liwanag. "Narinig kita nagsalita kanina. Hindi ko alam kung anong trip mo pero hindi maganda na nanloloko ka ng tao at nagpapanggap na may kapansanan," asik ni Darius. Mas lalong nagulat doon si Heather. Narinig din nito ang boses niya. — Pagdating ni Heather sa bahay dala ang sketchpad na binigay ni Philip at ang basag na salamin. Agad ito dumiretso sa kwarto. Hawak nito ang dibdib at maya-maya. Nagtatalon ito at sumigaw sa sobrang tuwa. Napatakbo doon ang ina ni Heather at agad na binuksan ang pintuan. Nakita niyang tuwang-tuwa ang anak. Agad lumapit si Heather sa ina— hinila ito papasok at nagsulat sa baho niyang sketchpad. 'Mom, may dalawang tao nakakita ng mukha ko na walang salamin. Mom! Hindi sa kanila umipekto ang charm ko!' Napatigil ang ginang matapos mabasa iyon. Tuwang-tuwa ang anak dahil doon— alanganin na ngumiti ang ginang at sinabing magkwento ang anak about doon. Sinabi lahat ni Heather except doon sa away ng dalawang tao na iyon. Hindi lang ai Darius ang nakakita ng mukha niya pati na din si Felix na tinanong kung ayos lang siya at kung napalitan na ang salamin niya. Walang nagbago kay Felix at Darius 'nong araw na iyon. Sobrang kaba ni Heather dahil baka nga maulit na naman ang nangyari doon sa dati niyang school. Apat na lalaki ang nabaliw sa kaniya at ilang beses ang mga tinangkaan siya ng masama. 2 years bago niya nagawang maka-recover dahil sa trauma. Katulad ng sinabi niya lahat ng taong nakakarinig ng boses niya o napapatingin sa mga mata niya na wala siyang salamin nababaliw at nao-obssesed sa kaniya. Ayaw na ni Heather maulit iyon. Nagpalipat-lipat din siya ng school dahil doon at wala siyang mga nagiging kaibigan. Tuwang-tuwa si Heather dahil may mga kaibigan na din siya at nakakita ng mga taong hindi naaapektuhan ng charm niya. Habang nagsusulat si Heather. Hindi maalis-alis sa ginang ang pag-aalala. Bigla niyang gustong ulit ito i-transfer sa ibang school. Ngunit kung gagawin niya muli iyon. Hindi malayong malungkot ang anak. Ilang taon ni Heather hinintay at hinanap ang taong hindi maaapektuhan ng charm niya. Sa edad din na iyon wala itong mga nagiging kaibigan dahil lahat ay binu-bully siya dahil hindi siya nagsasalita. — "Hon, pakiramdam ko kasalanan ko lahat ng ito. Si Heather at iyong mga lalaking nali-link sa kaniya. Honey, hindi maganda ang kutob ko dito," ani ng ginang habang nakaupo sa sofa at kaharap ang asawa na kasalukuyang may kaharap na laptop. Sinara iyon ng lalaki at tiningnan ang asawa na kinakagat ang kuko. Habit ito ng asawa kapag anxious ito. "Hon, malaki na si Heather. Huwag mo na siyang i-baby," ani ng lalaki. Tiningnan siya ng ginang ng masama. "Ano bang sinasabi mo Heartly? Babae ang anak natin! Hindi siya lalaki para magawang protektahan ang sarili niya," asik ng ginang. Bumuga ng hangin ang lalaki at tumayo. Lumapit ang lalaki at umupo sa tabi ng asawa. Hinawakan ang kamay ng ginang para pigilan ito sa pagkagat sa daliri nito. "Hon, hindi ko siya tinuruan ng maraming self defense para hayaan lang na pailaliman ng mga lalaki. Babae si Heather alam ko pero hon, hindi mo siya pwedeng laging i-baby. Hindi habang buhay nasa tabi niya tayo at sa kalagayan niya na iyon. Kailangan niya magpakatatag— maging malakas at hindi mangyayari iyon kung palagi mo siyang iiwas," ani ni Heartly. Hindi pa rin maiwasan ng ginang na mag-alala. Niyakap ng lalaki ang bewang ng asawa at hinalikan ito sa noo. "Hindi matututo si Heather sa mga pangaral lang." "Ngunit dalawa ang lalaking tinutukoy ni Heather— Heartly isa doon ang—" "Shhh, maririnig ka ni Heather," putol ng lalaki at bumuga ng hangin. "Magtitiwala na lang tayo na madaling ma-identify ni Heather ang tunay na pagmamahal sa purong obssesion lang."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD