Chapter 12

3996 Words
“I-honor mo si LORD gamit ang iyong kayamanan, ibigay sa kanya ang unang bunga ng lahat ng tanim mo. Pag ginawa mo yun, mapupuno ng ani ang iyong mga bodega, at ang mga lalagyan mo, mapupuno ng alak.” – Proverbs 3:9-10 -- Chapter 12 Aynna Umupo si Anton sa harap ng nakahaing pagkain. Nananatili akong nakatayo. Kinuha ang tinidor, pero hindi kumain. I just saw him looked down. Hawak niya ang kanyang cellphone at sandaling nagtype roon. Tinapon niya rin sa upuan pagkatapos. “Maupo ka rito. Aynna…” he impatiently called me. Tumingin ako sa kanya. Namumula ang mga tainga niya. Hindi ko nakikita kung nangangalit ang kanyang ngipin pero wari ko ay ganoon nga. Sinulyapan niya ang upuan sa kanyang harap. Tapos ay nilipat sa akin. My lips parted a little softly. He’s acting like he’s the leader between us. He watched me until I was settled in front of him. Hindi ko binibitawan ang cellphone ko. “Kumain na tayo.” Umiling ako. “Hindi ako nagugutom…” Hindi niya naituloy ang pagtusok ng tinidor sa laman ng kanyang plato. Nag angat ito ng tingin. “I want you to eat with me.” “Hindi nga ako nagugutom! Kagagaling ko lang sa birthday party!” Bumuka ang labi niya tapos ay mariing pinikit ang mga mata. He massaged the bridge of his nose and sighed heavily. Pagmulat nito, deretso ng tingin sa akin. “Last na ito. Sa susunod, ayokong pumupunta ka sa kung saan saan, understood?” I glared at him. “I’m not your slave.” Binaba ni Anton ang tinidor sa tabi ng kutsilyo sa plato. Rumagasa ang kaba sa dibdib ko sa pagbabago ng itsura ng mukha niya. Sumulyap ako sa nakalock na pinto. Sumandal siya sa upuan, tinaas ang mga kamay na parang napupundi na ang kanyang pasensya. “Hindi pa ba tayo nagkakaintindihan, Aynna? O gusto mo pang bigyan kita ng example, hmm?” “Sumagot ba akong pumapayag ako sa offer mo para utus utusan ako sa buhay ko!” “Ah. So, hindi ka pa natututo sa kasalanan mo sa akin, kung ganoon?” I quieted. He looked up at the ceiling, then his jaw clenched. Bumaba ang tingin ko sa laman ng mesa. Ang mahahaling pagkaing ito’y hindi nakakaakit kahit na anong tingin ko. Pati ang kwarto at hotel na pinagdalhan niya sa akin, walang kaamor amor, kumpara sa lakas ng kaba ko para kay Anton. His blood is now boiling. Minamadali niya ako. Ang gusto niya ang gusto lang niyang masunod. Tumayo siya at kinuha ang cellphone niya. He dialed somebody. Mariin ko siyang pinagmasdan nang lumipat ito ng upo sa kama. Nilagay niya ang cellphone sa tainga at bumaling sa pwesto ko. My lips parted. “Hello? Ah… Yes… This is Anton, Mrs. Centino. I’m sorry to bother you at this hour… Yes… I’m not sure… Mm… Can we talk about Kara Villanueva’s contract standing?” Tinaasan niya ako ng kilay. Nagmadali ako sa pagtayo at lumapit sa kanya. Inagaw ko ang cellphone, pero agad itong naiwasan ni Anton. Ngumisi pa siya at talagang pinaglalaruan ako! I groaned. Hindi ko siya tinantanan. Tumayo ako sa side kung saan nakahimpil ang cellphone sa isa niyang tainga. I tried to snatch it but he caught my hand. Pinapakinggan niya ang sinasabi ng kausap sa linya. Siguro ay nagtatrabaho sa network nila. Damn. “Kakausapin ko si Kuya Nick tungkol dito. Pero gusto kong tingnan mo ang kontrata ni Miss Villanueva, Mrs. Centino. Wala ba siyang nalalabag doon?” Hindi ko akalaing lalaban ako nang ganito. Naging pursigido akong maagaw ang cellphone. Inulit ko ang pagkuha gamit ang libreng kamay. He gave me deathly stares dahil huli na niya ang isa. Iniwas niya ang ulo, dumaplis lang ang palad ko sa cellphone, hindi niya binigay. Binitawan niya ang kamay ko sabay hapit sa baywang ko kaya pabagsak akong naupo sa isang hita niya. He immediately locked me in between him causing him to add pressure on his groin. He groaned. I knew why. Kahit ako, natigilan. Pero kumilos agad ako para maagaw ang cellphone. But he’s also on his top speed and he caught both my wrist in one big hand! I wiggled. Nagprotesta rin ang mga titig niya. “Alright… Call her manager about it. Padalhan mo sila ng memo…” Natigilan ako. I was so close to him but I felt like a dwarf sitting on his lap. Marami pa siyang sinasabi sa kausap at utos na para bang sobrang kaimportante iyon para itawag niya nang ganitong oras. Pinapanood niya ang pagpupumilit kong agawin ang cellphone. I bit my lip. Mistulang itinali niya rin ako dahil sa kapit at hawak niyang mahigpit. But I guess… I have only one hope. And this time, I used it with full force. “Yes please, Mrs. Centino. Notify me when- I sealed his lips with mine. I made sure, my lips are parted and I bit his lower lip. Hindi ako nagtagal doon. Sinisip ko rin ang itaas niyang labi. He didn’t answer but it’s a good omen that I should continue this interruption. Lumuwag ang paghawak niya. Ramdam kong nagulat siya, kaya parang naestatwa ito. I opened my mouth widely and deepen my kisses in his lips. In my peripheral vision, hawak pa rin nya ang cellphone sa tapat ng tainga. I secretly smirk. This is my cue. Tinaas ko ang kamay at humawak doon. Pero matigas pa rin iyon. I pushed him on the bed and mounted him. I tilted my head on the other side and kissed him thoroughly. Sumasagot na siya ng halik. I deepen more until we were kissing like there’s no tomorrow. Nakakapit ako sa kanyang mga balikat. Uhaw na uhaw ang bawat niyang hagod ng labi. Pinasok niya ang dila sa bibig ko at nangalugad. Napapikit ako na parang nalasing, nagwaglit sa isip ang kanyang cellphone. Pero napadilat ako sa pagbagsak ng kung anong mabigat na bagay sa sahig. Hinawakan ako ni Anton sa magkabilang baywang. Lumihis ang denim skirt ko, nilalabas nang kaunti ang suot kong underwear. Hinaplos ako ni Anton sa hita paakyat sa puwitan. I jumped a little, but the heat is still on my skin. Flaming my whole senses. “Ah… baby…” he groaned angrily and kissed me more rapidly. Ako ang unang napagod. Kumawala ako, pero agad niyang hinalik halikan ang lalamunan ko. I arched my back and closed my eyes again. I bit my sore lip. Iniisip ang cellphone niyang binitawan na niya. Pero nagawa ko na. Nalipat ko ang atensyon niya kaya… But he gets more intense. I felt the hard ridges on his pants’ zipper. Poking my femininity. Doon din ay parang nagising ako sa nangangalit na apoy. Nakakapaso na. Bumibigat ang mga hininga naming dalawa. Pinagpapawisan na at pabilis nang pabilis ang mga pulso. I pushed him on his chest. Naangat ko ang upper body ko, naupo ako sa kanya. Gulat niya akong tiningnan. I stared at his reddened face and wetted lips. Binasa pa niyang lalo. Pinagparte at tinitigan akong mangha. Hindi siya makapaniwalang pinutol ko ang halikan. Bumaba ako sa kandungan niya. Pagyapak ng mga paa ko sa sahig, binaba ko ang skirt ko. Lumipat ako sa kabilang side ng kama, pinulot ang cellphone. Nasa linya pa rin ang kausap niya dahil umaandar pa ang oras. Uminit ang pisngi ko. Pinatay ko iyon at saka nilingon si Anton. Hindi halos nagbago ng posisyon at reaksyon si Anton. He looked stunned. Parang na-scam. Pero hindi ako pwedeng magpatumpik tumpik pa. Pinutol ko ang tawag. At sana, hindi na umabot sa iba ang nangyaring ito. Hinanap ko ang sariling cellphone. I found it on his side. Lumipat ako sa paanan ng kama, kung saan nakasampay din ang mga binti niya. Pinagpalit ko ang mga cellphone namin. Bumangon si Anton, hinilot ang noo tapos ay mabigat na humugot ng hangin. Sinuklay ko ang buhok ko. Why do I feel like some cheap girl that he just picked up somewhere hidden? “What a stunt, huh?” I almost smirk. Bumalik ang sarkastiko niyang tono. “Ginawa ko lang ang dapat kong gawin. Stop demolishing Kara’s career, Anton! Instead, demolish me!” Mahina siyang tumawa. Hininto niya ang pagmasahe ng batok, at tumingala sa akin. His lips are still in crimson color. Matingkad ang kulay dahil sa basa pa. I just tasted it. Familiarity brought me into the abyss of buried memories. Hinalukay ng bawat halik ang mga kinalimutan ko sa isip pero ang katawan ko mukhang hindi pa nakakalimot. He is the first of my everything for a woman. After him, there was no one else. Naging busy ako sa kay Xavier. Hindi na pumasok sa isip ang magmahal ulit. Men are always there. Trying and calling. But I wasn’t interested or I lost the interest. Umikot ang buhay ko sa anak ko. Maybe, it is too early to settle down. Though, I’m twenty-seven. “You gave me an idea. But instead to demolish--I’ll ravish you, Aynna. I swear. You’ll reckon what you accused me of. I’ll tear you down to the core. You’ll beg me but I won’t stop… I’ll never stop…” “Edi gawin mo ang gusto mo! Magpakasasa ka sa katawan ko, Anton! Pero sa oras na gantihan mo ang sinuman sa pamilya ko…” Tinitigan niya ako. “Sisirain ulit kita. Wala akong pakielam kung de Silva ka man o kung sinong demonyong makapangyarihan. Sisirain kita, Anton. Tandaan mo iyan!” my teeth gritted. I also stared back. On my Monday afternoon, nag aayos ako ng mga pinamili kanina sa grocery. Naiayos ko ang laman ng pantry namin. Kaya dito naman sa tindahan ang inasikaso ko. Nag ring cellphone ko. Katatapos ko lang pagbilhan ang isang mamimili nang saktong nag ring iyon. Si Kara. Tumahip ang kaba sa dibdib ko. Pagkatapos ng ginawa ni Anton, hindi pa kami nag uusap na dalawa. One-week na ang nakakalipas. Maghahating gabi nang ihatid niya ako sa bahay. Hindi siya nakakain ng matino sa hotel room na kinuha niya. Lumamig lang. Nang magyaya akong umuwi na, pumayag siya. Pagod na akong makipag-away sa kanya. Wala na naman siyang dinagdag sa offer niya. Pagkatapos din ng banta ko, nanahimik na siya. Umandar ang ilang oras na hindi kami nagkikibuan. Once, nagcellphone siya. Hihintayin ko rin sanang maubos niya ang pagkain pero hindi na niya ginalaw. Sumimsim ako ng tubig. Naghilamos siya sa banyo. After that, hinatid na niya ako. Sobrang nag aalala sina Julian, Liza at Aling Corazon pagkauwi ko. Nasa loob sila. Hindi ko pinapasok si Anton sa bahay. I will never do that! Kahit natutulog na sa kwarto no’n si Xavier. “Yes, Kara? Napatawag ka?” tanong ko. Kara squealed. Parang nilagyan ng sipit ang lalamunan niya, mas lalo akong nag alala. “Are you okay? Kara!” halos sigaw ko. Lumayo ako nang kaunti sa bintana ng tindahan. I heard some noise, probably mga gamit na bumabagsak o binabalibag. Nagsasalita rin si Kara pero hindi para sa akin. She asked somebody to do her makeup. What the hell is wrong with her? “Kara!” I scowled now. “Hello! Ate Aynna. Guess what?” Masaya na ang tono niya. “Anong nangyari?” She giggled. A tone of a fine and happy lady I heard from her. Pero kumakabog pa rin ang dibdib ko. “Binigyan ako ng lead role ng istasyon…” Kumunot ang noo ko. I’m still dazed. “Huh?” “Wait lang…” sabi niya sa katabi. Makeup artist niya yata. “Ate Aynna, may soap opera akong gagawin sa DSTV! May story-con na kami bukas at ako ng gaganap na bida sa drama! I’m so excited!” Kumukurap kurap ako, hindi makapaniwala sa binalita ni Kara. Pagkalipas ng ilang taon, after the tragedy, hindi na siya nakakatanggap ng lead role. Mapapelikula man at TV Drama. Ang sabi niya, puro mga supporting role lang. Pero patuloy niya ring tinatanggap dahil trabaho. Ito’y kahit pa kaya naman daw silang suportahan ni Senator Ace Montemayos ni Mama. Kara love what she is doing. Kaya kahit bata pa, nakagawa na siya ng Mother role. She mature and became more passionate with her craft. Iyon naman ang maganda sa kanya. I closed my eyes and cleared my throat. “C-Congratulations, Kara. Congrats…” “Grabe, Ate. Hindi ako makapaniwala. Actually, maganda ‘yung story. May pagka-suspense. Hindi ko kailangan ng matinding romantic scene kaya nagustuhan ko agad ang project. I never thought na mabibigyan pa ako ng chance to lead a series…” “I’m happy for you, Kara. Alam kong passionate ka sa pag-arte kaya confident akong magiging maganda ang kalalabasan ng proyektong ‘yan. Kailan ipapalabas?” naexcite na rin akong mapanood siya sa TV. “Next week na kami mag i-start ng taping. Last quarter of the year naka-line up. Pang gabing timeslot!” “Sige. Susuportahan ka namin. Magpapalagay pa ako ng banner sa tindahan para sa ‘yo.” She happily giggled. “Ang sabi ni Ysabella, si Anton daw ang nagsabing gawin ko ang project…” “Ah… Mabait talaga siya…” “Oo, Ate Aynna. Parang anghel si Ysabella sa akin. Iyong kahit nilalayuan ako ng mga tao, pirmi siyang nakasupport sa likod ko. Bukod sa ‘yo, Ate ko rin talaga siya at bestfriend pa.” “That’s good for you. Pero… anong kinalaman ni Anton sa project? Siya ba ang nagproduce?” Well, malamang. Pamilya niya ang nagmamay-ari ng TV Network. Pero ang alam ko si Kuya Nick ang nagmamanage kaya bakit nakikielam si Anton? “Silly, Ate Aynna. De Silva si Anton kaya parte siya ng kumpanya. Pero si Anton daw talaga ang nagsabing sa akin ibigay ang project. He even upgraded my contract!” “Tulad ng…” kinabahan na naman ako. “They gave me another two-year contract sa istasyon. May TV Movie at Teleserye pang ipapagawa. Tumaas din ang Talent Fee ko. Si Mama nga tuwang tuwa. Ayun. Binuk ko siya ng trip sa Singapore bilang regalo ko sa kanya. Para raw nabuhay ang dugo niya after ng meeting namin sa President.” “Nag meeting kayo with Nick de Silva?” “Yes, Ate Aynna. Kasama niya nga rin ang Misis niya, e. Anton was also there. Exclusive ang meeting for me. Ang gaganda ng mga nilatag nila sa career ko. I felt so renewed! Kaya gagalingan ko talaga sa project para hindi sila mabigo. And also…” I could imagine the room filled with the De Silvas. Nagtatangkaran at naggagandahan. Matatalino pero kung makatingin, parang niluluto ang ispiritu mo. “In-offer-an ako ni Anton ng Endorsement deal para sa kumpanya niya. Ang Artisan Distillery…” “Alak ang produkto niya, ah?” “I know, Ate. I am also thinking of it. It’s like a new trajectory to my career at para umingay ang soap opera namin.” “Gusto mo bang gawin ‘yon?” “I’m still thinking. Kasi, hindi biro ang mga naging Calendar girl nila. Iyong kay Ysabella, ang ganda ganda. Kumpara sa akin, baka maging downfall nila ako… But Anton make sure na maaalagaan ako.” “Anong comment ni Mama rito?” “She’s happy. Ate, she’s a former sexy star, remember? My idea siya sa mga ganoon.” “Pero nanay natin siya. Kumportable ba siyang… magpose ka sa ganoon?” Hindi ako agad nasagot ni Kara. I also thought of how our mother would take that endorsement deal. Oo, may kita at trabaho pa rin. Pero kumportable ba siyang ipagawa kay Kara ang ganoon? It might throttle up or down her career. Lalo na… may ibang naalala ang mga tao sa kanya. Kara sighed. “Oo, siguro. Para kay mama, trabaho iyon. Gusto ko ring subukan. Lalo na, si Anton ang nag offer.” “Alright. Kung okay sa ‘yo, go for it. I’ll support you no matter what.” “Thank you, Ate Aynna! I love you talaga!” I chuckled. “Love you too, bunso.” “May confession nga pala ako sa ‘yo… Hiningi sa akin ni Anton ang number mo… Kinontak ka na ba nya? Sorry, Ate Aynna. Hindi ako nakatanggi, e. Kapatid pa rin siya ng boss ko…” she apologetically said. I sighed. “I understand. Mmm… yes. Tinawagan na niya ako,” “And? Nalaman ba niya ang tungkol kay Xavier?” “No. Hindi. Nag usap lang kami…” “And? What happened?” Nagkibit ako ng balikat. I refused to tell her all the details. Pero… “Galit siya. Expected ko naman.” Natigilan si Kara. I heard the closes of door in her background. May nagsalitang staff at tinatawag na siya. “Sige, Ate. Ibababa ko na ‘to. I’ll call you again, okay? We’ll talk about him. Okay?” “Go ahead…” “Love you, Ate.” “Love you, too. Bye.” Naikwento ko kina Liza ang bagong ganap sa trabaho ni Kara. I told them what happened last Sunday with Anton at kung saan niya ako dinala. Maliban iyong hinalikan ko. “Oy nakakapagtaka ‘yan, ha. Biro mo, kabaliktaran ang ginawa ni Anton. Pero kapag tinotoo niya ang banta, malaki ang ibabagsak ni Kara. Lagapak siya, Aynna.” Bumuntonghininga ako. Nag aalala rin sa ginawang hakbang ni Anton. “Talagang kumikilos siya. Hinala ko, hindi makakabuting malaman niya ang tungkol kay Xavier… Naisip kong ‘wag muna talagang ipaalam.” Suminghap si Aling Corazon. “Kung ganoon, papayag ka sa gusto niyang mangyari, Aynna?” Binalingan din ako ni Liza. Nasa hapag kami at kumakain habang nag uusap. Nakaupo sa tabi ko si Xavier pero busy sa paglalaro sa kanyang kutsara. Binigyan ko ng dinurog na kalabasa sa mangkok para iyon ang kanyang kainin. Hindi ko maiwasang isipin ang daddy niya at ang offer nitong kagimbal gimbal. I sighed. “Wala naman akong choice, e. Kung hindi ako papayag, baka hindi gumanda ang standing ni Kara sa istasyon.” “At hindi makakapag-Singapore ang Mama Olivia n’yo. Grabe. Hindi ka man lang dinadalaw dito para kumustahin. Okay na sa kanyang magpadala ng pera kay Aling Corazon at ‘yon na ‘yon? Ni hindi ka rin naman tinatawagan…” “Busy si Mama. Saka, siya ang nag aalaga kay James.” Sala ko para kay Mama Olivia. “Kahit na, ‘no! Manong dalhin dito ang apo at madalaw ka rin niya. Ang siste, parang isang lang ang anak niya. Aynna naman, noon pa lang hindi na okay ‘yang mama mo sa ‘yo. Si Lola Olimpia ang nag aalaga kahit pagkabata mo. Kung hindi mo siguro nakilala ang papa mo, baka nagpalaboy laboy ka na makatago kay Anton. Buti pa aso nila, inaalagan niya. E, ikaw na panganay, nga nga?” “Hindi naman gan’yan si mama, Liza. Napahiya sina Mama nang dahil sa ginawa kong eskandalo kay Anton. Tinakot din sila. Nalagay sa alanganin ang hanapbuhay. Naiintindihan ko ‘yon. Saka, okay naman kami ng anak ko ngayon. Nariyan si Kara. Si James. Parang kasama na rin si mama.” “Pinagtatanggol mo lang ‘yang mama mo, e. Sabihin mong si Anton ang tatay ni Xavier, tyak, nagkandarapa na ‘yan na angkining apo siya. Try mo…” Inirapan ko siya. “Never! Aagawin lang ni Anton ang anak ko.” Pinanliitan niya ako ng mga mata. “Sus. Ingat ka rin d’yan. Bantay-sarado ka na. O paano mo pa matatago ang anak mo, aber?” Inabangan din ni Aling Corazon ang isasagot ko kay Liza. Pero walang lumabas sa bibig ko. Nagpatuloy kami sa pagkain na hindi na iyon ulit pa naungkat. I just don’t have the right answer… yet. Alas dies y media ng gabing iyon ay nasa kwarto na ako. Kapapatulog ko lang ulit kay Xavier. Nag uungot ito at tila may iniinda. Binuhat ko at sinasayaw para makatulog ulit. Salamat sa Diyos at humimbing naman ang tulog niya. Pinatay ko ang ilaw. Iniwan kong bukas ang lamp sa gilid ko. Humiga ako at nagkumot, nang biglang umilaw ang cellphone. Kumunot ang noo ko. Nag text pa ang de Silva’ng ‘to. Gabing gabi na. Anton: What are you doing? Answer me. Inayos ko ang ulo sa unan. Pinag isipan ko kung re-reply-an ko. Pwedeng huwag na. Tapos isipin niyang tulog na ako. Kaso kapag tumawag naman baka magising si Xavier. Ang hirap niyang patulugin ngayon. I revoked my first plan. Ako: Matutulog na Tinabi ko agad ang cellphone sa tabi ng lamp. Nang pipindutin ko na ang switch, umilaw agad ang cellphone. Anton: Anong ginawa mo maghapon? Umalis ka ba? Aynna: Namili para sa tindahan Hindi ko muna pinatay ang lamp. Hawak ko rin ang cellphone para mabasa kung sasagot pa siya. Anton: Why you didn’t inform me? Umirap ako sa screen. I scowled on it even he didn’t see. Aynna: Sorry na po, mahal na hari. Nabusy ako. Marami akong ginawa at pagod ako. Hindi ko naisip na balitaan ka Anton: Next time, inform me. Or else… Nagtype ako agad. Ako: Oo na! Matutulog na ako. Bye! Binaba ko ang cellphone at pinatay ang lamp. Mabilis pa ang paghinga ko, pati ang t***k ng puso ko. Hindi ako agad nakatulog. Umilaw ang cellphone pero hindi ko tiningnan. Bahala siya sa buhay niya. Kokontak lang para ipaalala kung anong napag usapan namin. Good thing, hindi na siya nangulit. Pagkatapos ng ilang minuto, nakatulog din ako. Naalimpungatan ako nang makarinig ng mga sigaw at kalabog. Sinilip ko si Xavier, mahimbing pa rin ang kanyang tulog. Napatingin ako sa ding ding dahil sa liwanag na sumasayaw. Kumikinang na kulay kahel. Ano iyon? May nagpapailaw pa sa ganitong oras? “May sunog! Sunog!” Bumangon ako at pinakaramdaman ang bahay. We’re still fine, but my chest thudded really fast. I looked at the orange light on the wall. Nakatapat ito sa bintana. Nagmamadali kong inalis ang kumot para sumilip sa bintana. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may apoy na lumalamon sa tindahan namin! “Aynna!” boses ni Liza salabas ng pinto. Agad kong binuksan. Si Liza na nakasuot pantulog at sabog ang buhok ay namumutla sa takot. Tinuro niya ang labas. “Tumawag na kayo ng bumbero?” Kinuha ko ang cellphone. My hands are shaking. Nakahiwalay ang tindahan pero ang lapit lapit no’n sa amin. Binuhay ni Liza ang ilaw. Saka ko napagtantong kumakalat na ang maitim na usok sa kwarto. Madadamay din kami kapag hindi agad nakakilos! Binigay ko kay Liza ang phone ko, binuhat ko ang anak ko at nilabas ng kwarto. Tumatakbong nilapitan kami ni Aling Corazon. Medyo umiiyak at nag aalala. “May tumawag na yata…” Ang unang pumasok sa isip ko ay ang iligtas ang anak ko. Hindi ang mga document o kahit ang suot kong shorts at spaghetti strap blouse. Si Aling Corazon ay nakaduster lang. Lalo na si Liza. But we all took the stairs and went outside. Nakapalibot na ang mga kapitbahay namin. May nagbubuhos din ng timba timbang tubig. Hindi masyadong mausok pagdating sa baba. Nakakahinga at nakarating kami agad sa gate. Nagbabaga ang taas ng tindahan. May pumutok na kuryente na siyang nagpatili sa aming tatlo. Pinauna ko si Aling Corazon, pero nagpahuli si Liza dahil buhat ko si Xavier. Rumarahas ang mga sigawan, pagkadinig sa siren ng bumbero. May humila sa akin at dinala sa kabilang side. Kinausap ako kung okay lang ako at tanging tango lamang ang nasagot ko. Ang mga mata ko’y pinanood ang hindi ko nasalbang tindahan. “Tumabi kayo! Paraanin niyo ang truck ng bumbero!” “Sayang ‘yung tindahan…” “Kawawa naman… bagong bukas pa lang…” Pinagtitinginan kami ng mga kapitbahay. Kahit maging sila nakabantay na baka madamay sa sunog. Ang ilan ay nag aalala. Pero may iba na may galit dahil nagkasunog sa amin. Niyakap ko nang mahigpit ang anak ko. Wala akong ibang nasabi kundi sana ay maapula na ang apoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD