“Sabi mo eh! Mabuti nalang pala at kahit na nagsabi si Aiden kanina na kuha ako ng share ko hindi ko ginawa kasi mukhang tama lang sayo o baka nga kulang pa…” Natutuwang sabi pa ni Ate Rose. “Ah! Ate sana kumuha ka para natikman mo ang sarap kasi.” Umiling naman siya habang nakangiti. “Okay lang, Amber para sayo naman yan.” At saka siya bumaling sa pinag kainan ko. “Oh siya, Amber. Hindi ka naman na magra rice diba? Okay lang ba at iligpit ko na ‘tong foods para din makapagpahinga ka na don sa room mo para sure na sure nang maayus na yang nakiramdam mo.” Inalis ko naman yong kamay ko sa mukha ko at saka ako tumango sa request ni Ate Rose. Sa bagay, kailangan ko din’g magpahinga ng maaga kasi maaga pa ako gigising bukas. So, before I finally left the kitchen, I thanked Ate Rose and