Halos magfa five minutes na din yong lilipas pero wala pa din akong nakukuhang response kay Aiden, bumagsak naman yong balikat ko at parang bula na naubos yong energy ko. Pabagsak din akong nahiga sa my bed ko. Ayaw niya ng clingy. Ayaw niya ng attachment. Ayaw niya ng commitment kaya nga never pa siyang nag girlfriend o nangligaw diba? Kahit pa yong mga girls na sa school yong nagpapapansin at halos mangligaw sa kanya, wala pa din kahit na gaano kaganda at katalino yong babae’ng nagpapapansin sa kanya. Ayaw pa din niya sa huli. Ano bang katangahan ang iniisip mo Amberine at nagtye ka ng ganung content ng message?! Galit ko pang tanong sa sarili ko, hindi kayo magjowa! Muli ko namang chineck yong phone ko at nakaread lang talaga yong status ng message ko sa kanya pero wala kahit man la