Chapter 117 SUMUNOD si Sia kay Dorian papasok sa silid nang iwan niya ang tatlong kasama. Nang makapasok na sila agad na nagsara ang pinto at nawala ng parang bula, nakaramdam siya ng kakaiba kaya pinakiramdam niya ang paligid para maging alerto siya sa biglang pag-atake ng binatang si Dorian. Alam niyang tuso ang isang ito at kahit sino’y maaring maging tuso. Maliit ang silid na puno ng lumang libro at isang lamesang bilog sa gitna. Hindi man lang nila inaalalang maupo para makapag-usap ng maayos. “Anong kailangan mo, Euphrasia?” tanong ng binata saka humarap sa dalaga. Siguro’y kalat na sa mundo nila kung sino siya kaya hindi nakakapagtaka na kilala siya ng ilan. “Kailangan ko ng tulong ninyo, sabi sa libro na ikaw lang ang makakatulong sa amin para mahanap ang buto o labi ng isan

