Chapter 44

1391 Words
Chapter 44 MADALING araw na nang magising ako at hindi nakatulog pa. I saw myself beside Kalen nang magising ako, nakayakap ang isa niyang makay sa bewang ko habang parehas na nakatago ang hubo’t hubad naming katawan sa ilalim ng kumot na kulay cream, nakita ko na lang ang sarili kong pinagmamasdan siya habang tulog, akala mo naman siya ang pagod na pagod sa ginawa namin dahil bahagyang nakabuka ang bibig niya sa sobrang antok, ilang beses namin ginawa iyon kagabi at tumigil lang kami nang mas mapagod siya. Hindi ko alam na ganu’n pala ang pakiramdam at ganu’n pala ang ginagawa. Madalas kong marinig sa mga schoolmate ko kung gaano sila ka-excited sa tuwing pinag-uusapan nila ang tungkol dito, kasintahan man nila o sa lalaking nakilala lang nila sa kung saan, hindi ko inaasahan na mararamdaman ko rin ang naramdaman nila, kakaiba at hindi maipaliwanag. Inabot ko ang buhok ni Kalen at sinuklay-suklay ito. Minsan nagdududa ako kahit pa binigay ko na ang sarili ko sa kanya, what if ako lang ang may nararamdaman sa proseso na ito kaya ko ibinigay ang sarili ko sa kanya? Paano kung hindi magbago at hanggang sa mapagod ako wala pa rin siyang nararamdaman para sa ‘kin? Siguro’y kailangan kong isakripisyo ang nararamdaman ko para malaman ko rin ang kasagutan na mismong nang galing sa kanya. Na-feel ko na meron pero hindi ako magpapasiguro kung hindi sa kanya mismo nang gagaling ang sagot na hinahanap ko. Kumilos siya kaya bahagya akong napahinto at hinihintay siyang magising ngunit lumapit lang siya para itago ang mukha niya sa may dibdib ko kaya napayakap ako sa kanya. I found myself smiling while I feel his tickling breath in my sensitive skin. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan mo lang makasama siyang matulong ng ilang saglit. *** Nang muli akong magising, nakayakap pa rin si Kalen at tulog na tulog pa rin. Umaga na nu’n kaya dahan-dahan akong kumalas at umalis sa kama ngunit hindi pa ako nakakatayo nang muli akong maupo dahil nanginginig ang tuhod ko, medyo mahapdi ang gitna ko, may kung anong masakit sa mga thigh part ko na para bang namamaga o binugbog na sa tuwing may regla ko lang nararamdaman. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan akong tumayo. Lumapit ako sa kabinet para maghanap ng bagong damit nang makahanap ako saka ako pumasok sa banyo at naglinis ng katawan. Pagkalabas ko tulog pa rin si Kalen, lumabas na ako dumiretso sa kusina para maghanda ng agahan ngunit nagulat ako sa ‘king nadatnan. Namilog ang mga mata ko nang makita sila Mia at ang ilang kasamahan niya. Agad kong tinakip ang cardigan kong puti sa dibdib ko at yinakap ang sarili. “A-anong ginagawa ninyo rito?” Bigla na lang akong kinabahan lalo na nong ngumisi siya. “Gusto ko lang mangumusta at naririto ka na sa Caroline,” wika niya pero biglang nagseryoso ang mukha niya, “ang alpha?” Tanong niya, “sa tingin ko nakita mo na.” “Ang alin---siya ba ang pakay mo? Nagpapahinga pa siya---” “Ikaw ang pakay ko, binibini, may kailangan tayong pag-usapan,” sabi niya saka siya lumabas ng kubo ngunit naiwan doon ang mga kasama niya kaya sumunod ako kay Mia palabas din ng kubo. Naalala kong bigla si Kalen, “si Kalen---” “Hindi na siya normal na wolf, binibini, kailangan mong mag-ingat sa kanya…” Napakaseryoso niya at para bang may babalang paparating. “Naalala ko si Kalen…Pula ang mga mata niya, para siyang namamangka sa dalawang ilog, may kakaiba sa kanya na hindi ko maipaliwanag, para siyang---” “Bampira,” mabilis na sagot ni Mia, “nong iniligtas ka namin kasama siya may kagat siya ng isang bampira, sa oras na makagat ka ng bampira maliban sa gusto ka niyang patayin gusto nilang magparami…” Bigla kong naalala ang ginawa ni Third kay Kalen. ‘Kaya pala…’ Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. “Maaring delikado siya, kailangan niya ng magpapakalma sa kanya, kakabisaduhin ang bago niyang anyo bilang bampira at wolf. Maraming posibilidad na mangyari dahil ngayon lamang ito nangyari sa buong henerisasyon ng mga Langston, maaring mangyari siya ngunit may mga kalahi kami na hindi tanggap ang ganu’ng crossbreeding dahil mortal na magkaaway ang dalawa dati pa…mabuti na lamang at nakaligtas ka ng isang gabi,” paliwanag ni Mia na may pangamba sa puso niya. Naalala ko nong hawakan ko siya bigla na lamang siyang nagbago at naging maamo. “Ikaw ba, may nararamdaman ka bang kakaiba?” Muli akong napasulyap nang ako naman ang tanungin niya. Umiling ako at nagsinungaling kahit pa na weirduhan ako nitong nakaraan sa sarili ko. “Wala naman,” agad kong sagot. Para siyang nagdadalawang isip bago siya tumango-tango, “ mabuti naman kung ganu’n, para siyang nag-aalinlangan sa sagot ko na para bang may tinatago siya ngunit hindi na ako nag-usisa pa para hindi na niya ako masyadong tanungin pa dahil wala akong balak magkwento dahil sa marami na akong iniisip. “May request sana ako kung maari.” Ngumiti si Mia sa ‘kin, “maari, ano po ba iyon?” “Pakisamahan mo ko sa puntod ng mga magulang ko habang tulog pa si Kalen, kahit sandali lang,” wika ko. Hindi naman na siya nagdalawang-isip pa at pinagbigyan niya ako. SAMPUNG minuto ang nakalipas nang maihatid niya ako sa sementeryo at nagpatulong na rin maghanap dahil hindi ko na gaanong maalala ang lugar kung saan sila nilibing. Ilang sandali lang ng mahanap ko ito sa mataas na parte ng sementeryo dahil pabundok ito. Hinayaan niya ako at nagbabantay sa di kalayuan kasama ang ilan sa mga kasamahan niya. Nakatitig lang ako sa mga pangalan nila at may lumang bulaklak doon kaya nilagyan ko ng bagong na isang bouquet ng daisy dahil magkatabi naman ang libingan ng mga magulang ko. Ang dami kong gustong itanong, gusto ko silang makausap ngunit hindi ko alam kung saan at paano ako mag-uumpisa. Naupo ako sa harap nila, sa mahabang panahon at binilang na taon ngayon na lamang ako nakabisita. Naiwan akong nakatitig sa mga pangalan nila, inaalala ang lahat ng nangyari mula noon hanggang sa kasalukuyan, wala akong sama ng loob sa kanila ngunit may pag-aalinlangan pa rin ako sa mga bagay-bagay na kailangan ba talagang mangyari ang lahat ng ito? Bigla na lang tumulo ang luha ko, mas nangibabaw ang pagka-miss ko sa kanila. May nagpatong ng lavender bouquet sa libingan ng mga magulang ko kaya parang umurong ang ilang luha ko, napatayo ako at pinunasan ito para maitago ang emosyon ko. Namilog ang mga mata ko nang makita ko si Kalen, wearing his same vibes dark turtleneck with coat. Masaya ako dahil okay na siya at wala na yung pulang mga mata niya. “Bakit na andito ka? Diba nagpapahinga ka,” wika ko pakiramdam ko namumugto ang mga mata ko. “Ikaw din naman,” tipid niyang sagot. Nag-init ang pisngi ko nang ma-gets ko kung ano ang ibig niyang sabihin, napayuko ako kaya nakita ko ang paghinto ng parehas ng sapatos niya sa ‘kin saka niya inabot ang kamay niya sa baba ko para iangat at muli niyang makita ang mukha ko. Hindi ko na itago pa ang luha ko, yinakap niya ako at itinago sa dibdib niy. “I’m sorry,” bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko. Napailing ako, bakit naman siya nag-sorry? May nagawa ba siyang mali? Pinagsisisihan ba niya yung ginawa sa amin kagabi? Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. “Ayos lang umiyak hangga’t gumaan ang pakiramdam,” he said it softly and it’s like a magic parang pakiramdam ko safe ako sa bisig niya. Yumakap lalo ako ng mahigpit sa kanya. Galit na galit ako nong una kong malaman na ganito ang magiging takbo ng buhay ko, it’s because gusto ng mga magulang ko ng second chance para sa ‘kin humihingi sila ng tulong sa kinamumuhian kong nilalang, sa naging takbo ng buhay ko hindi ko inaasahan na sa kanya ako babagsak, sa kanya ko ‘to mararamdaman, kailangan ko bang magpasalamat sa magulang ko? Tadhana ba talaga ang kumikilos sa buhay namin. May kung ano sa puso ko na para bang gusto ko ng ipagsigawan kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya, ngunit paano? Mas maganda sigurong huwag na niyang malaman pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD