Chapter 27 MULI na naman akong nagising sa masamang panaginip na hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ng mga iyon, hindi ko kilala kung sino ang mga mukha sa panaginip, mga boses at mga elementong nanakot sa dilim. Sa tuwing nararamdaman ko at aware akong panaginip iyon agad ko nang ginigising ang sarili ko ngunit ang panaginip ang humihila sa ‘kin para hindi basta makabalik sa realidad. Bagong umaga na naman kasama ang mga bagong nilalang sa mansyon ng mga Langston, ito ang realidad na hindi ko maaring takbuhan, mas malala pa sa panaginip, pagbaba ko sa kusina para sumabay sa agahan wala nang masyadong nagbabantay sa paligid at hindi ko rin agad na aaninag ang anino ni Kalen, siguro’y dahil sa nangyari at kahit na anong mangyari wala naman akong pakialam sa kanya…gusto ko lang

