Chapter 3

1095 Words
Chapter 3 NAWALA ang atensyon ko sa sasakyan nang mag-ring ang phone kong hawak. Huminto ako sa sidewalk at sinagot ang tawag nito kahit hindi ko pa tinitignan kung sino. “Hello, si Euphrasia ‘to, sino po sila?” “Nasa Porta Vaga ka na raw, wait lang malapit na ako.” Sabi ng boses lalaki sa kabilang linya na siyang pinagtaka ko. Napataas ang isa kong kilay at napakunot-noo. Dahan-dahan kong nilayo ang phone screen at saka ko sinilip kung sino ang tumatawag ngunit unknown number lamang ang nakalagay do’n. Muli kong binalik ang phone sa tenga ko. “Sino po sila? Wala akong natatandaang tumawag o private messages man lang sa ‘yo.” Sabi ko sa lalaki sa kabilang linya. “Ay sorry…” Saka ko narinig ang halakhak niya na akala mo nagbibiruan kami at nag-uumpisa na akong makaramdam ng kaunting inis, “nakalimutan ko pa lang magpakilala, ako si Dario, busy sila mama---” “Sinong mama?” “Si Nikita,” mabilis din niyang sagot. Napatango-tango na lamang ako. “So, hintayin muna lang ako dyan, saan ka ba parte?” Bago ako sumagot napalingon ako sa paligid ko, hanggang sa makita ko ang exit area ng malaking palengke, sa gilid ko kung saan ako nakahinto may malaking tindahan ng mga gulay at prutas, may nagbaba ng mga kargada galing sa truck at dinadala ro’n. “Nasa tapat ako ng JJ store ng mga prutas at gulay, malapit sa exit area ng palengke.” “Okey dokey, pakihintay na lang ako dyan,” saka niya pinatay ang tawag. Tinago ko naman ang phone ko bulsa ng pantalon kong suot. “Miss! Tabi!” Napatingala ako sa itaas ng truck nong tumagilid ang kahoy na hagdan na nakakabit do’n at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong pabagsak na ito kasama ang isang sako ng mga bawang. Hindi ako agad nakakilos sa kinatatayuan ko dahil sa biglaang pangyayari. Ngunit may humila sa bag ko at saka ko lang nagawang napaatras palayo do’n. May pareas ng brasong yumaka at nagtakip sa ulo ko. Atomatikong napapikit ako nang magbagsakan sa likod ko ang mga bawang at iyong hagdan na kahoy. Hindi ko namalayang kapit na kapit ako sa damit na nasa harapan ko. Ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Hindi pa rin ako makagalaw sa puwesto ko. “Ayos ka lang ba?” Muli kong naramdaman ang brasong nakahawak sa likod ko at ang kamay na nakapatong sa ulo ko. Saka ako napabitaw sa pagkakakapit ko sa damit niya, napaatras ako palayo para mapabitaw siya sa ‘kin at makita siya ng malinaw. Pinagmasdan ko ang mukha niya, pamilyar siya sa ‘kin, siya ‘yong may asul na mata sa may black BMW, wavy ang mahaba niyang itim na buhok, mas matangkad siya sa ‘kin na halos hanggang balikat lang ang tangkad ko sa kanya, mala-porselana ang maputi niyang balat, matangos ang ilong, makakapal na pares ng kilay at mapupulang labi. Nakasuot siya ng itim na turtle neck habang may patong na gray blazer, itim na trouser pang ibaba at itim na leather shoes. Para siyang boss sa isang malaking kompanya. Napansin kong nakakunot-noo siya, siguro nagtataka kung bakit ko siya tinititigan at hindi man lang nagsasalita. “Okay ka lang ba, miss?” Tanong ng tindera ro’n ngunit hindi ko naman pinansin dahil nakatuon ang atensyon ko sa binatang kaharap ko. “Ayos ka lang ba?” Pag-uulit niya. Napatango-tango na lamang ako. Napasulyap ako sa binatang papalapit sa direksyon namin. Napasulyap siya sa ‘kin at pakiramdam ko siya si Dario lalo nong ngumisi siya sa ‘kin ngunit nawala rin ‘yon nong mapansin niyang magulo sa paligid. Tuluyan siyang nakalapit sa ‘kin. “Hi, Dario pala,” saka siya ngumiti ng pagkalawak-lawak, hindi pa nga siya sigurado kung ako nga ‘yong hinahanap niya, “anong meron dito, bakit nagkalat ang mga bawang?” “May aksidente lang na nangyari,” malumanay kong sagot. “Buti hindi ka nadamay.” Gusto kung sabihin na kamuntik na ngunit nanatili akong tahimik. Muli akong napasulyap sa direksyon nong lalaking nagligtas sa ‘kin, wala na siya ro’n at saka ko lang naalala na hindi pala ako nakapagpasalamat sa kanya. “Halika na, andoon nakaparada ang truck sa unahan bawal kasi dito,” saka niya kinuha ang bagahe ko at siya na ang naghila. Matangkad din si Dario pero hindi kasing tangkad nong binata rin kanina, may payat siyang pangangatawan pero hindi ganu’n kapayat, medyo may pagka-moreno si Dario, may matangos ngunit maliit na ilong, kulutan ang brown niyang buhok at singkit na mga mata. Ang una kong napansin sa kanya, ang kadaldalan niya, kung ano-ano ang sinasabi kahit hindi naman ako nakikinig hanggang sa makarating kami sa paradahan. Sa mismong main entrance ng Porta Vaga. May kalumaan ang maliit na truck at may ilang kinakalawang na parte. “Paumanhin ah, ito lang ang service ng pamilya namin, ito ‘yong madalas na ginagamit ko sa paghahatid ng kulay galing sa Langston Farm.” Sabi niya ng mailagay niya sa likod ang bag ko at saka naman ako pumasok sa may passenger seat. Siya naman sa driver seat at binuksan na niya ang makina. “Wala naman problema sa ‘kin, hindi naman ako reklamador at hindi ako anak mayaman,” wika ko habang nakatanaw sa unahan. “Okay, sabi mo eh,” sabay ngisi uli siya. Nag-umpisa na siyang magmaneho at paalis sa palengke. “Paano mo nalaman na ako ‘yong hinahanap mo?” Tanong ko sa kanya. “Simple lang naman, i-stalked kita sa f*******:, ‘yong mukha mo sa profile picture at saka sa personal, parehas ‘yong poker face kahit wala ka naman kaaway,” sabay tawa niya, “kaya iyon madali kong nalaman na ikaw ‘yon.” Hindi na lang ako nagsalita, pero hindi rin naman ako napikon dahil sanay na ako sa ganu’ng impression ng mga taong nakakasalamuha ko. Hindi nagtagal nang wala na kami sa bayan at halos puros puno na lang ang nadadaanan namin. Iilan na lang ang nakikita kong mga bahay. Habang papalapit sa mansyon, may kakaibang kaba ang nararamdaman ko at para bang anumang oras may hindi magandang mangyayari. Pakiramdam ko may nakamasid sa ‘kin o sadyang na paranoid lang ako? Kalahating oras ang biyahe bago huminto ang truck sa mismong malawak at mataas na gate ng Benjamin Manor. Tanaw ko mula sa puwesto ko ang mansyon namin. Bigla na lang bumalik ang lahat ng alaala na nangyari noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD