Chapter 111 HALOS magkakalahating oras na silang nakasakay sila Yannie sa isang maliit na Viking boats simula nang umalis sila Templar dito na sila dumiretso bangka na iyon, nasa unahan niya si Geo nakaupo habang yakap niya ang dalawang bata na sila Lavin at Cris habang nasa likod naman nila ang mga kasama. Nakatayo lang sa unahan ang tatlong nagpakilalang miyembro ng konseho ng Miram. Hindi pa rin siya makapaniwala na pumayag si Sia na ibigay sila sa mga taga-Miram. Madalas lang itong naririnig ni Yannie noon sa Templar na akala niya’y alamat lang ang totoong mundo nilang mangkukulam at hindi niya inaakalang magiging totoo ito. Ni isa sa mga taga-Templar noon ang nakakarating sa naturang lugar. ‘Ano ng aba ang itsura ng Miram? Katulad din ba ito ng mundo ng mga tao ngunit ang pagkakai

