Chapter 55 DAMING tumatakbo ngayon sa isip ko habang nasa pagpupulong kami, mag-uumpisa na ang lahat at halos lahat ay kompleto na. Hindi ko alam kung ano ang dapat kung unahin, ang pag-aalala ko tungkol sa kagagawan ko kaya nag-umpisa ang pagpupulong o ang narinig ko sa ‘king panaginip---hindi mawala na sa isip ko ang pinag-usapan nila lalo na’t alam kung sa kanila galing ang mga boses na iyon. Hindi ako mapakali at tulala lang ako sa tasang nakalapag sa unahan ko, wala siyang laman at katulad ko meron din ang lahat na nakahanda sa kanilang harapan habang nakaupo kami sa mahabang lamesa at nasa kanan ko si Kalen. Para akong maduduwal sa halo-halong emosyong nararamdaman ko, may humawak sa kamay ko kaya napasulyap ako sa kanya, hindi ko alam kung anong emosyon ba ang dapat kong ipakita s

