Chapter 57 LUMABAS si ama sa kakahuyan kasama si ina, ang pamilya ni Nikita habang karga ang batang si Dario, ilang hindi ko gaanong kilalang mukha, lahat sila’y nakasuot ng itim na cloak habang may ilang nakatago ang mukha nila bunggo ng isang hayop na may sunggay. Naghihintay ang tribo nang mga pack at lumabas si Kalen sa gitna ng mga kasama niya habang katabi niya ang isang katandaan na lalaki, parang matandang bersyon niya hindi nagkakalayo ang mukha nila na para bang pinagbiyak na bunga, may ilang nagbabantay na lobo sa grupo nila, seryoso ang mga mukha, ramdam ng kada-isa ang tensyon at maaring magkamali lamang ng kilos magiging sanhi ng gulo sa pagitan ng dalawang ito. Napansin kong may kalakihan na ang tyan ni mama na nakatago sa itim na cloak habang hawak ang nito na para bang p

