Chapter 1

1176 Words
Chapter 1 “Sia…Sia…” Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulong nang gisingin ako ni mama. Napakusot ako sa ‘king mata at pilit na ginigising ang aking natutulog na diwa. Marahan niyang hinila ang magkabila kong balikat para mapaupo sa kama at napansin kong nanginginig ang mga kamay niyang nakahawak sa ‘kin. “Ano pong nangyayari?” Tanong ko sa ‘king ina. Wala pa akong alam noon sa mga emosyon ng mga tao, pero napansin kong namumula ang mga mata niyang na para bang kakagaling lamang sa pag-iyak at puno ng takot. “Ha-halika na,” sabi niyang muli gamit ang malambing at nanginginig niyang boses. Wala akong ideya at basta lang akong sumama sa kanya. Nakasuot pa ako ng bistidang pantulog na kulay puti, kinuha niya ang kumot ko at binalot do’n. Saka niya ako nilabas ng silid, hatak-hatak ang mumuti kong kamay at braso. Nagmamadali siya na para bang may humahabol sa amin at halos makailang napatid sa pasilyo dahil sa mahabang kumot. Naalala ko ang nangyari nong gabing ‘yon, napakalamig ng paligid, malakas ang ulan sa labas, may kasama pang kulog at kidlat. Natigilan kaming parehas nang makarinig kami ng ingay mula sa baba ng mansyon. Kitang-kita ko sa likod niya na nakakatog ang mga tuhod niya. Taas-baba ang balikat at mabilis na paghinga. Binitawan niya ang kamay ko at lumapit siya sa ‘kin para kargahin kahit pa malaki na ako. Pumunta kami sa pinakadulong pasilyo at pumasok sa pinakadulong pinto. Sinipa lang niya ang pinto para mabuksan ito, binaba niya ako at agad niyang kinulong kami sa silid na ‘yon. “Na saan po ba si papa?” Doon nag-uumpisa ang takot ko kahit pa wala akong ideya dahil sa kinikilos niya. Muli akong nagulat nang makarinig ako ng sunod-sunod na kalabog ng ingay mula sa baba nang mansyon. Nakasara ang buong bintana ng silid, nakatakip ang mga pulang kurtina, may nag-iisang malaki at lumang kabinet do’n. Lumuhod at pumantay siya sa ‘kin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi, nanlalamig ang mga palad niya. “Kahit na anong mangyari huwag na huwag kang lalabas sa kabinet ah. Kahit na sino ang tumawag sa ‘yo. Lalabas ka lang kung ako mismo ang magbubukas o ang papa mo. Gawin mo ang makakaya mong hindi makagawa ng ingay habang nagtatago. Maliwanag ba, pwede ka bang pagkatiwalaan ng mama?” Para nang maiiyak si mama at pakiramdam ko para na siyang namamaalam. “Ano po bang nangyayari?” Tanong ko sa kanya at hindi ko maiwasang hindi maiyak sa takot. Pinunasan niya ang luha ko at ngumiti sa ‘kin, “makinig ka kay mama, Euphrasia, magtiwala ka sa amin ni papa, para sa ‘yo ‘to,” saka niya ako hinalikan sa noo at yinakap ng mahigpit. Segundo lamang iyon at agad niya rin akong binitawan. Kinarga niya akong muli, binuksan niya ang kabinet, walang laman do’n at kasya ang laki ko sa loob. Nilagay niya ako ro’n at pinaupo. Ngumiti siyang muli sa ‘kin kahit nag-uunahan ang mga luha niya. Saka niya tuluyang sinara ang pinto ng kabinet at nilamon ako ng dilim nito. Ang akala siguro ni mama hindi ko makikita ang lahat. May awang ang pinto ng kabinet. Kitang-kita ko kung paano siya manginig sa gitna ng silid lalo na nong kumalabog ang pinto. Agad kong tinakpan ang bibig ko gamit ang mga palad ko. “Maia!” Narinig ko ang boses ni papa mula sa labas. Pinipigilan kong hindi lumabas sa pinagtataguan ko, hanggang sa tumalsik ang pinto dahil sa malakas na pwersa, tumama ito kay mama na siyang naging dahilan para matumba at madaganan siya nito. Nanlaki ang mga mata ko mula sa dilim, nag-unahang pumatak ang mga luha ko at nanginginig ang mga palad kong nakatakip pa rin sa bibig ko. Pinikit ko ang mga mata ko at nagdasal na sana matapos na ang gabing ‘to. Sana panaginip lamang ito at gusto ko nang magising ngunit totoo ang nangyayari lahat. Sa pagdilat ko nakita ko kung paano makipaglaban si papa at nagulat ako sa ‘king nakita. Hindi makapaniwala ang aking mga mata. Duguan na si papa at halos kulay pula na ang buo niyang pantulog. May hawak siyang espada at pilit niyang pinoprotektahan si mama na wala pa ring malay. Kulay itim ang makakapal nitong balahibo sa katawan, parang aso ngunit mas malaki pa sa normal na aso, mas malaki at mas mataas pa sa tao. Matatalas at mahahaba ang kuko niya sa mga kamay at paa nito. May mapupula siyang parehas ng mga mata at matutulis na mga pangil na pwede mong ikamatay. Sinakmal niya si papa sa leeg at inangat. Nabitawan ni papa ang espada niyang sandata. Mas lalo kong kinagulat nong biglaang tinusok ang dibdib ni papa gamit ang matutulis nitong mga kuko sa kamay. Sumigaw si papa sa sobrang sakit at ‘yon ang ginamit para iangat siya lalo. Saka siya binitawan at ibato sa sulok ng silid. Pilit siyang tumatayo ngunit dahil panghihina’y hindi na niya nagawa pa. Si mama naman ang nilapitan niya at mabilis na kinalmot ang likod nito. Wala akong nagawa kundi ang panoorin sila kung paano sila paslangin sa mismong harapan ko. Kinuha nito ang espada at tinusok sa likod ni mama. Narinig niya ang sigaw at paghingi ng tulong ni papa para kay mama. Tuluyan akong nanghina at napaihi sa ‘king salawal. Napansin kong umaamoy sa hangin ang halimaw na ‘yon at dahan-dahan siyang napasulyap sa direksyon ng kabinet kung saan ako nagtatago. Kitang-kita ko na ang pares ng mga mata niya’y nakatitig mismo sa nakasilip kong mga mata at isang nakakakilabot na ngisi ang binigay niya sa ‘kin… HINGAL na hingal at pawis na pawis ako nang magising mula sa panaginip na paulit-ulit kong nakikita sa ‘king panaginip, isang bangugot na pilit kong tinatakasan ngunit siya ring pilit niyang paghabol sa ‘kin. Sampung taon na ang nakakalipas ngunit palagi ko pa ring naalala ang lahat. Kung paano nila patayin ang mga magulang ko at hindi ko matandaan ang sunod na nangyari dahil nagising na lang akong kasama ko si tita Tabitha. Ang nag-iisang kapatid ni papa na tumayong mga magulang ko. Para bang kalahati ng aking pagkapatay ay nakalimutan ko ngunit ito ang palaging bumabalik. Nanatili pa rin akong nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Nakakatamad bumangon lalo na’t walang tita Tabitha ang gigising sa ‘kin. May biyahe pa ako mamayang tanghali…biyahe pabalik sa probinsya, kung saan ako lumaki at ang akala ko’y tahimik na lugar para sa pamilya ko ngunit isang malaking akala ko lang pala. Ang aga-aga pero hindi ko mapigilang hindi mapabuntong-hininga sa tuwing naalala ko ang huling habilin ni tita Tabitha sa sulat na iniwan niya sa ‘kin bago siya namayapa. Kailangan kung ibenta ang lupain at ang mansyon na nakapangalan sa ‘kin. Hindi ko alam na akin pala ‘yon kung hindi niya pa nasabi sa sulat. Ang mas masaklap pa ro’n, sa Caroline Province ‘yon. Ang kinamumuhian kong lugar sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD