Chapter 53
“Ba-bakit?” Yon na lamang ang nasabi ko sa alok niya, “nag-aalala ka ba, may bagay ka bang pinag-aalala?” Tanong kong muli sa kanya, gusto ko ang alok niya, simula pa lang hindi ko na talaga gusto ang nangyayari sa takbo ng buhay namin maliban nang makilala ko siya na para bang nasa roller coaster ride kami na may halong twist, gusto ko siyang makilala sa ibang paraan na para bang normal ang lahat na walang humahabol o gulo.
Nilapitan niya ako at hinaplos ang mukha ko gamit ang isang kamay niya habang nakahawak ang isang kamay niya pa rin sa isa kong kamay, huminga siya ng malalim bago muli magsalita, “sa tingin ko hindi ganitong buhay ang kailangan mong maranasan, gusto ko pa rin mag-sorry sa lahat ng bagay kung bakit ka nandito, sa lahat…lahat…”
May isang bagay pa akong gustong marinig galing sa kanya, yung inaasahan ko simula nang makaramdam ako ng kakaiba mula sa kanya, pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman pero sigurado ako sa sarili ko, gusto ko siya---ay hindi, mahal ko siya, sana ganu’n din siya sa ‘kin? Pero yung mga pinaparamdam niya kahit hindi niya sabihin parang ganu’n na rin, pero hindi ako dapat magpanigurado, parang mas magandang malaman kung sa kanya mismo mang gagaling, aasa muna ba ako sa ngayon?
“Sia, gusto kong ilayo kita sa ganitong buhay, masyadong magulo.”
“Sa tingin mo ba hindi ko kaya?”
Sandali siyang natigilan, gusto ko siyang sabihin na sige lang magtanong lang siya sa ‘kin nang gusto niyang malaman sasagutin ko lahat ng bukal sa kalooban ko. Nangungusap ang mga mata niya habang nakatitig sa ‘kin.
“Gusto mo bang manatili rito?” Malambing niyang tanong.
Muli na namang nabubuhay ang puso ko sa pag-aalala niya sa ‘kin.
“Dito lang ako, hindi ko kailangan o tayo na umalis, lilipas din yan…” wika ko gusto kong sabihin na kahit saan basta kasama siya ngunit hindi ko na lamang tinuloy, “maraming salamat.”
Ngumiti siya saka niya hinawak pa ang isang kamay sa pisngi ko, sinandal niya ang noo niya sa noo ko kaya ipinikit ko ang mga mata ko para pakiramdam na ito na alam ko hindi rin magtatagal may kapalit ang saya at t***k ng pusong ito pagkatapos ng lahat. Dahan-dahan niyang inilapit at ibinaba ang mukha niya hanggang sa magtagpo ang mga labi namin, agad kong sinagot ang bawat sandal ng halik niya, malumanay, maingat na para bang titigil ang oras para sa amin, dahan-dahan akong napahawak sa balikat niya para sumuporta at ang isang kamay niya’y nakahawak sa batok ko para idiin ang mga labi namin sa isa’t isa.
Nagpatuloy kami sa paglilibot sa kakahuyan na mala-paraisong lugar nu’n hanggang sa makarating kami sa mabatong lugar, maingat kaming umakyat doon para makapunta kami sa kabila nu’n, dapat pala sinabi niyang mag-hiking kami nakapagpalit sana ako ng suot kong damit at hindi ako nagbistida, pero maganda rin itong napili niyang gawin parang nakalimutan namin kung anong nangyayari ngayong araw at sa mga susunod pa.
Sumampa kami roon at natanaw namin ang maliit na wooden house na gawa ang bubong nito sa salamin, isang pamilyar na bilog na sapa na nakita ko na sa panaginip ko noon kasama siya, biglang nag-init ang pisngi ko nang maalala ko ito.
“Halika na,” saka siya ang unang bumaba, sumunod ako at inalalayan naman niya ako.
Medyo nakakapagod din at hiningal ako sa ginawa namin, dumiretso kami sa maliit na wooden house hanggang sa makapasok kami roon.
“Sa ‘yo ba ito?” Tanong ko sa kanya, puno ng dream catcher na nakasabit sa isang pader, mga native na gamit, may dried flowers at ilang kagamitan na gawa sa natural na gamit.
“Oo, ngayon ko na lang uli nabisita,” sagot niya.
Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa kusina, may mga gamit na ito na para bang may nagpapanatili rin ng ayos.
“Sila Nikita rin ang nagbabantay at naglilinis dito dahil malapit lang sa mansion,” dagdag pa niya.
Pinaningkitan ko siya habang inaabutan niya ako ng isang basong tubig, “ang dami ko talagang hindi ko alam ano,” wika ko sabay lagok ng tubig sa baso.
Hindi ko pa naibababa ang baso nang agawin niya ito sa ‘kin, nabigla ako sa ginawa niya pagkatapos niyang ilapag sa lababo ay binuhat niya ako paupo roon, magtatanong sana ako nang bahagya niyang hinila ang buhok ko at mabilis na hinalikan sa labi. Nag-uumpisa pa lang nang may muling mabuhay na init ng katawan ko, hindi katulad kanina napakaagresibo niya ngayon, gusto ko siyang sabayan ngunit magaslaw ang kilos niya, mabilis na para bang kakainin na niya ako ng buo, bumaba ang halik niya sa leeg ko saka niya mabilis na binitawan ang buhok ko para tangalin ang suot kong cardigan, nasa pagitan ng mga legs ko siya kaya nararamdaman kong may bumubukol sa pantalon niya.
Napaungol ako nang maramdaman ko ang mainit niyang labi sa sensitibo kong balat, “Kal!”
Pababa nang pababa hanggang sa mahila rin niya ang strap ng bistida ko at ma-reveal ang dibdib ko hanggang umabot doon ang labi niya, dahan-dahan, paminsan-minsan ay sinisipsip at kinakagat-kagat niya ito, muli siyang umangat sandal kaming nagkatitigan, I saw a longing love and lust in his eyes, nag-iingit ang pisngi ko sa mga titig niyang ganu’n, saka niya hinubat ang coat niyang suot at saka isa-isa niyang unbutton ang shirt niya.
“Teka, anong gagawin mo?” Inosente kong tanong sa kanya, “huwag mong sabihin na dito natin gagawin sa lababo---sa kusina?”
Ngumisi siya na para bang nakakatawa ang tanong ko sa kanya, “bakit hindi?”
Muli siyang lumapit sa ‘kin midway open na ang shirt niya, pinaningkitan niya ako at saka husto pang nilapit ang mukha niya sa ‘kin kaya bahagya akong napaatras, akala ko hahalikan niyang muli ako nang tumapat siya kanan kong tenga. Naramdaman ko ang mainit niyang paghinga roon, parang isang droga ang pakiramdam na ito na ayaw kong ihinto.
“Bakit…ayaw mo ba?” Mapang-akit niyang tanong saka niya pasimpleng hinalikan ang tenga ko kaya bahagya akong napaatras, “pwede naman natin itigil,” saka niya naman ako hinalikan sa ibaba ng tenga ko.
Jusko, Kalen!
Hindi na ako sumagot nang kunin ko ang mukha niya at mabilis siyang hinalikan biglang sagot, nakuha niya ako roon alam ko! Nakangiti siya sa pagitan ng halik, gumala ang kamay niya nang maipasok niya parehas sa ilalim ng skirt ng bistida ko, umangat ang isa hanggang sa makuha niya ang garter nu’n, bumaba pa ang daliri niya at nilalaro niya ang sensitibo kong parte roon habang nakatago pa rin sa panty ko.
“Umm…” ungol ko sa pagitan ng halikan namin, nag-umpisa pa lang pero nararamdaman ko na may kung anong pumipihit sa sikmura ko.
Nakita ko na lang ang sarili kong nakahubo’t hubad nasa harapan niya…