Chapter 51

1521 Words
Chapter 51 ILANG oras pa kaming gising ni Kalen nu’n bago kami tuluyang dinalaw ng antok, hindi na namin pinag-usapan pa ang nangyari at nong umaga na iyon ang akala ko wala na siya sa tabi ko ngunit pagdilat ko naroon lang siya sa tabi ko gising na para bang hinihintay din akong magising. Walang nagsasalita sa amin at ayos na ang batian naming ngitian sa isa’t isa para sa umaga na iyon. Agad na akong bumangon nang may kumatok sa pinto, umalis siya sa kama kaya sumunod na rin ako hanggang sa makarating kami sa pinto. Binuksan niya ito hanggang sa bumungad sa amin si Mare. Nawala ang liwanag sa mukha niya nang dahan-dahan siyang bumaba ng tingin sa direksyon ko, sandali siyang napatitig sa ‘kin and suddenly I feel something strange the way she looked at me in eyes kahit pa wala siyang emosyon o hindi siya magsalita. “Anong kailangan mo, Mare?” Tanong ni Kalen sa kanya at siguro’y napansin niyang medyo matagal nang nakatitig si Mare sa ‘kin. Nagagalit ba siya sa ‘kin? Hindi naman kailangan, ang may karapatan na magalit sa amin kundi ako sa pagiging malapit pa rin niya kay Kalen. “May bisita po tayo at may gusto siyang isiwalat sa atin,” wika nito, “maari na lang po kayong sumunod sa bulwagan, aalis na po ako,” saka siya tuluyang tumalikdo at iwan kami. Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakahinga ng maluwag nong umalis siya, sinara naman ni Kalen ang pinto at hindi ko napansin na tulala na pala ako. “Sia…” Wala sa sariling napasulyap ako sa kanya, “bakit?” “Sumabay ka na sa ‘kin sa agahan, gusto mo bang mauna ka sa banyo o ako?” Tanong niya, something bothering him habang nakatingin siya sa ‘kin na para banag may gusto siyang itanong ngunit hindi niya magawa. Ngumiti ako, “sige ikaw na muna at ako na lang ang susunod, o kaya doon na lang ako sa silid ko mag---” “Huwag.” Mabilis niyang sagot kaya bahagya akong nagulat. “Dito ka na lang maligo at magbihis. Ipapadala ko na lang ang gamit mo rito, I mean ipapalipat ko na lang, total mag-asawa na tayo and its normal na gumamit tayo ng iisang kwarto para sa atin,” seryoso niyang paliwanag na para bang nahihiya rin. Nag-init ang pisngi ko at kakaibang kaba ang nabuhay sa dibdib ko. Tumango-tango na lamang ako, “sige kung iyon ang gusto mo,” munti kong sagot sa kanya. Dumiretso kami sa bulwagan kung saan sasabayan ko si Kalen ng agahan pagkatapos naming makabihis, tinutotoo nga ni Kalen na mag-iisang silid na kami at pinag-utos niya na ilipat na ang gamit ko. Wala pang nagtatanong kung anong nangyari sa silid ko dahil for sure alam kong nakita nila na nagkalat ang abo sa biglang pagsugod ng kakaibang nilalang kagabi. Pagdating namin sa bulwagan naroon ang ilang miyembro sa tribo niya ngunit may ilang galing sa kabilang tribo na madalas kong makitang nakakasama sa pagpupulong ngunit hindi ko lamang matandaan ang pangalan niya. Hindi ko nararamdaman na magiging maayos na agahan ang umaga na ito nang makapuwesto na kami sa mahabang lamesa habang siya’y nakaupo sa kabisera nasa likod ni Kalen sila Mia na pinasadahan lang ako ng tingin dahil may kung anong tensyon sa hapag-kainan. Nakaharap sa direksyon ko ang upuan niya, namumutla siya at takot na takot. Hindi rin maintindihan ang panginginig at paglikot ng mga mata niya na para bang may nakikita siya na hindi namin nakikita. “Ayos lang po ba kayo?” Tanong ni Kalen sa matandang alpha. Tumingin lang siya kay Kalen at hindi nagsalita, kaya sumulyap si Kalen sa asawa nito na katabi lamang ng matandang lalaki. Para itong maluluha at hindi alam ang gagawin, “may kakaibang bagay ang sumugod sa amin kung hindi lang naagapan ng anak ko siguro’y isa na rin siya sa mabibiktima, malaki ang paniniwala kung ito rin ang pumapatay sa ilang alpha sa ilang tribo na malapit sa atin, siguro’y gusto nila tayong isa-isahin,” nanginginig ang boses ng matandang babae habang nagpapaliwanag. May kung anong bumabagabag sa puso ko na para bang alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Biglang naging interesado si Kalen. “Nahuli namin ang isa sa kanila,” sagot ng mahabang buhok at makisig na lalaki sa likod nila, sumensyas siya sa kasama niya kaya lumabas sila ng bulwagan ilang sandali lang nang may maipasok silang malaking bagay sa loob hanggang sa ipwesto nila sa gitna, may takip itong malaking itim na tela at nakakaramdam na naman ako ng kakaibang bagay mula roon. Ganu’n din ang pakiramdam ko kagabi nong may sumugod na lang na bigla, hinila nila ang tela na nakatakip sa kulungan malaki kung saan may nakahandusay na nilalang sa loob nito, tela lang siya, walang paa ngunit may dalawang kalansay na kamay. Napatayo ako, yung takot ko biglang bumalik, ibig sabihin kung hindi namin naagapan pupuntiryahin din nila si Kalen kagabi, pero bakit? Ano bang pakay nila? Saan sila galing? Dahan-dahan akong napasulyap kay Kalen na tutok na tutok din nilalang na iyon, kaming dalawa lang ang nakakaalam sa nangyari kagabi. Hindi pa natatapos ang tensyon sa silid nang sabay-sabay kaming mapasulyap sa pinto nang may mga bisitang biglang dumating, mga nakasuot sila ng cloak na kulay maroon, tatlo lamang sila ngunit bigla akong kinabahan kahit hindi ko pa nakikita ang mga mukha nila, may kung anong dala silang enerhiya na kailangan kong katakutan. “Ang konseho.” May nag anunsyo sa malapit kaya nalaman ko kung sino sila, kaya rin pala natahimik silang lahat. Huminto sila sa may pinto saka nila sabay-sabay na inalis ang hood ng cloak nila, mas matangkad ang lalaking nasa gitna, pararehas silang may mahahabang tenga, maputlang balat, singkit, kulay silver na mga mata at may mahahabang puting buhok, may kung anong mga guhit o tattoo sa kanilang leeg na hindi ko gaanong makita ngunit may itim na tenta roon. Nag-iisang babae ang nasa kanan nong lalaki na may mababang height kumpara sa mga kasama niya ngunit mukha siyang nakakatakot sa seryoso niyang mukha, habang ang nasa kaliwa ay may guhit na peklat sa kanan nitong mata patungo sa ilong nito. “Magandang umaga sa lahat,” bati ng lalaking nasa gitna, “hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,” wika niya saka niya isa-isa kaming pinasadahan ng tingin hanggang sa huminto siya sa direksyon ko at muling binalik ang atensyon sa iba. “Nalaman namin ang nangyari sa Yardele at sa pinuno nito na hanggang ngayo’y nasa kritikal na kondisyon,” wika nitong babae, “kaming tatlo ang tinalaga para tumulong sa imbestigasyon dahil napapansin sa taas na hindi na gaanong naayos ng Langston ang nangyayari sa nasasakupan niya lalo na nong nag-umpisa ang pyesta sa lugar na ito. May nalaman kaming impormasyon na galing mismo sa Langston ang lumason sa alpha ng Yardele.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at hindi lang ako dahil lahat sila’y nagulat sa balitang iyon. “Hindi kayo nakakasiguro,” hindi na ako makalingon kay Kalen nang magsalita siya. “Hindi nagkakamali ang konseho at kailangan malinis ang bawat tribo. Hindi dapat kayo nag-aaway-away at dapat magtulungan kaya kailangan nating linisin sa simpleng pamamaraan. Sa oras na ito’y kailangan mo munang bumaba sa posisyon mo at babalik ka lang sa oras na maayos ang problema,” dagdag pa ng babae. Naikuyom ko ang kamao ko. “Magpapatawag kami ng pagpupulong kung kailan mag-uumpisa ang imbestigasyon, hindi natin kailangan mag-ubos ng mahabang oras dahil gagawin natin agad sa mabuting paraan, maraming salamat sa pag-intindi ng lahat at pagkatapos nu’n saka tayo mag-uumpisang matapos ang suliranin na kinakaharap pa ng kada-tribo,” paliwanag ng lalaking may peklat, “lahat kayo ay alam sa sariling wala kayong ginawang masama gagawin ninyo ang lahat at hindi ibig sabihin nito’y wala kaming tiwala sa inyo lalo na sa mga sinusunod ninyong lider.” --- Note: Plagiarism is a crime at 'wag pong tumangkilik ng mga soft copies. Maawa kayo sa writer at dito lang po ninyo sa Dreame mababasa ang kwento na ito. Kung malaman ninyo, makita o mabasa sa ibang site ang kwento na ito, please pakisabi agad sa totoong author nito. Maraming salamat. --- KN's Note: Thank you for reading this chapter and don't forget to follow me. If you love this story, you can add my other stories to your reading list. Araw-araw po ang update nito, salamat. KLWKN: https://www.dreame.com/novel/9LAq%2B%2B1QJNtFudJDUZb0aQ%3D%3D.html Avery in Avalon: https://www.dreame.com/novel/3BJFwb2lfBpSe4c6mkLA4Q%3D%3D.html Bride of the Magistrate: https://www.dreame.com/novel/OXD8gIIR5%2FFbCbDD5KB%2FeQ%3D%3D.html Mad House: https://www.dreame.com/novel/4cI%2FuzapclyTM9S%2FmFqEaw%3D%3D.html About Gray: https://www.dreame.com/novel/WEMy1p47cAu7lcx7n23rYg%3D%3D.html Gray House: https://www.dreame.com/novel/7NV57w3pgPmg%2FuqCJbT3Qw%3D%3D.html Rewrite: https://www.dreame.com/novel/6AeTKo4K%2Btd5mXD%2FK%2FfbKg%3D%3D.html Rhapsody: https://www.dreame.com/novel/FaYmv9pi9WgGkOHPCiIaaQ%3D%3D.html Dead Air: https://www.dreame.com/novel/mY%2FIj%2FhqM8b%2BjrwH3aQc0w%3D%3D.html The Midnight Princess: https://www.dreame.com/novel/d%2BxtTK40VBGeoC2Q9Raj2Q%3D%3D.html Beauty in Tragedy: https://www.dreame.com/novel/JfSqDpVS1hZFfPRShkdNVA%3D%3D.html The Faces of Murderer: https://www.dreame.com/novel/uTmVV5NK97Or%2B6uc99DjwQ%3D%3D.html The Acts of Murderer: https://www.dreame.com/novel/xU3BKZICviLIEy3X5iOV3A%3D%3D.html Dangersome: https://www.dreame.com/novel/mTpraMoYhad5cfmlWBqLNQ%3D%3D.html Lost in Bicol (English): https://www.dreame.com/novel/mhGXY7osyBRss1NFVZEpnA%3D%3D.html Lost in Bicol (Tagalog): https://www.dreame.com/novel/AdC2%2FJAE7EAdOvPtofEkXw%3D%3D.html Lost in the City: https://www.dreame.com/novel/3p1YB0MApUyUVsd6YgGV1w%3D%3D.html Lost in the Dark: https://www.dreame.com/novel/i5HRxk3Wy9QEGrgQe9Ekeg%3D%3D.html The Mirror (English): https://www.dreame.com/novel/0vWIIeu2WnDKPiyNrvkA3g%3D%3D.html The Mirror (Tagalog): https://www.dreame.com/novel/OSikuMzQnpqSEtqvMnpbSA%3D%3D.html
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD