"WHAT THE f**k TRAVIS?! WHAT HAVE YOU DONE! TANG INA HINDI KA BA NAG-IISIP!'' halos mapatid ang mga litid sa leeg ko sa ginawa kong pagsigaw. Umagang-umaga kasi ay ganito ang isasalubong niya sa akin. Ang tanga-tanga niya. Bakit niya ginawa iyon? Hindi ba nag-iisip ang isang ito. Shit! Sinasabi ko na nga ba may binabalak siyang hindi maganda kagabi. Sa tema palang ng huli naming pag-uusap kagabi ay nahihinuha ko ng ganito ang gagawin niya. Winarningan ko naman siya na hwag siyang gagawa ng hindi maganda dahil ang magiging resulta nito ay marami ang masasaktan. Fuck! Gusto ko siyang bugbugin sa ginawa! Alam ko wala akong karapatang manghimasok sa mga ginagawa niya pero kasi ikakasal na si Fierah at sa BESTFRIEND pa namin. Hindi ba niya iyon maintindihan na hindi pwede ang gusto niyang

