Kabanata 58: Bestfriends

3280 Words

Inip na inip na ako dito. Gusto ko ng umuwi pero ayaw naman nila akong payagan. I-enjoy ko lang muna daw itong gabi na ito dahil isang gabi lang naman at minsan lang mangyayari. Halata kong hindi lang ako ang nabobored dito dahil ganoon din ang tingin ko kay Travis na sa malayo nakatingin. Nakasimangot siya at malalim ang iniisip habang pinaglalaruan ng isang daliri niya ang yelo sa hawak niyang kopita. May problema kaya ang isang ito. Babae? Tsk! Inalis ko ang tingin sa kanya ng makita kong bumaling siya sa direksiyon ko. Pasimple tumingin naman ako sa cellphone ko para hindi niya mahalatang nakatingin ako sa kanya. Napangisi naman ako ng makita ang wallpaper ko. Picture kasi namin iyon ni tisay na nakawacky. Tsk! Miss ko na siya. Ang tagal namin hindi nagkita. Ano kayang ginagawa niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD