"SAAN SA TINGIN MO ANG PUNTA MO?! HA?! Napatanga ako ng makita ang nagbabagang mukha ni halimaw habang mahigpit na hawak ang balikat ko. Sa dami kasi ng pwedeng makahuli sa akin ay siya pa talaga! Ang lakas naman ng radar nito para maramdaman ang pagtakas ko. Nasa likod nito ang ilan sa mga bodyguard niya na puro lahat nakasuot ng itim at lahat ay may suot ding itim na shades. Mukhang kakarating lang niya. Nakita ko pang bumaba sa kotse niya ang iba pang bodyguard at nagpapark naman sa di-kalayuan ang isa pang sasakyan. Napansin kong ito yung sasakyan na ginamit nila sa pagkidnap sa akin. "Balak mo talagang tumakas ha?! Mabuti nalang at naisipan kong dito kami dumaan instead na doon sa entrance.'' aniya Nakakahiwa ang tingin niya. Pakiramdam ko humiwalay na ang bawat parte ng katawan

