Goodevening guys...Sensya na hindi pa po ito yung exciting part. Pero may exciting dito kaya alam kong magugustuhan ninyo ito. Umekstra din po ako sa chapter na ito lol. ^_______^ Enjoy reading... Skyele [ Third Person's POV...] Sa isang kotseng itim na nasa parking lot ng hospital ay may limang lalaking seryosong nag-uusap-usap. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa planong gagawin nila para sa pasyenteng kailangan nilang iligpit. Iyon kasi ang utos ng kanilang boss at nagpaplano sila kung paano papasukin ang walang kamalay-malay na pasyente at patayin ito. "Handa ka na ba sa dapat mong gawin?" tanong ng isang lalaking nakasuot ng itim na shades habang nakatingin sa labas ng hospital. Kanina pa sila nagmamasid ng mabuti sa paligid. Agad nitong sinipat ang oras sa suot nitong relo p

