CHAPTER 2

2074 Words
"THAT'S your plan?" Hindi makapaniwalang tanong ni King Jariah kay King Zachary matapos niyang marinig ang plano nito tungkol kay Prince Zacheuss. Tumango si Zachary at tumingin kay Azleia. Pinagsiklop niya ang kamay nilang dalawa. Ngumiti si Queen Azleia ngunit ngiti na hindi abot hanggang mata. Nagkatinginan naman ang mga kasama nila sa loob ng pribadong opisina ni Zachary. "Sigurado ka na ba sa plano mo, Zachary?" Paniniguro ni Alpha Layden. Tumango si King Zachary, "we don't have any choice. The council wants to give my son to the black vampires. They don't know what is the consequence of that if ever." "Mailalayo sa inyo si Zacheuss. At tatanggalin niyo pa ang alaala niya sa inyo." Ani Queen Ayesha, the Queen of witches, also Queen Azleia's friend. Pinunasan ni Azleia ang luhang tumulo sa kaniyang mata, "hindi rin naman namin gusto na malayo sa amin ang anak namin pero wala kaming magagawa ni Zachary. His safety is our priority." "Then who will take care of Zacheuss?" Tanong ni Luna Bree. Tumingin si Zachary at Azleia sa magulang ni Zachary. "My parents will take care of him." "Don't worry, Zachary. Aalagaan namin si Zacheuss pero sigurado na ba kayo? Tatanggalin niyo ang alaala ni Zacheuss sa inyo?" Tanong ni Alliah. Tumango si Azleia at Zachary. "Pero paano kung dumating ang araw na bumalik ang alaala ni Zacheuss?" Tanong ni Vladimir. "Don't worry about that matter. I'll do something for him not to remember anything about here and his parents. Pero kung sakali man na malabanan niya ang spell na ilalagay ko sa kaniya. Sana naman tapos na ang gulo rito sa vampire coven." Sabi ni King Jariah. "Thank you, Jariah." Zachary said full of gratitude. "Don't mention it." Ani Jariah. "But how about Logan and Jeremy?" Tumingin si Luna Bree sa dalawang bata na kalaro ni Zacheuss sa sulok ng opisina ni Zachary. May nakapalibot sa mga itong barrier upang hindi nila marinig ang pinag-uusapan ng mga matatanda. "Let's just explain to them and when they grow up," Queen Ayesha said and she smiled, "let them reunite again but Zacheuss won't remember them as his old friends." Napabuntong-hininga si King Jariah, "when will you send Zacheuss away?" Nagkatinginan naman si Azleia at Zachary. "Tonight." Sagot ni King Zachary. "Tonight?!" Nanlaki ang mata ni King Jariah and he suddenly leaned on the sofa. "The heck? Bakit hindi mo kaagad sinabi?" "Ngayon mo lang naman tinanong e." Kibit-balikat na sabi ni King Zachary. "Wait. Saan niyo itatago si Zacheuss?" Tanong ni Alpha Layden. "Alam na ba 'to ng kakambal mo?" Umiling si Zachary, "sasabihin ko na lang sa kaniya kapag nagkausap kaming dalawa." He looked at his parents, "my company in the Philippines is still working well. Don't worry. Malayo ang Romania sa Pilipinas. Hindi na makakarating doon ang mga black vampires." "Black vampires are just like us. Nagkalat sila sa mundo, paalala ko lang baka nakalimutan mo." Sabi ni King Jariah kay King Zachary at tumingin kay Zacheuss. "Kung ngayong gabi natin gagawin ang plano, kailangan ko ng tanggalin ang alaaala ni Zacheuss sa lugar na 'to," he sighed as he looked at Azleia and Zachary, "at sa inyo." "Okay. Do it." Sabi ni Zachary. "Wait." Pigil ni Azleia. "Kakausapin ko lang si Zacheuss." Tumango si Jariah. "Let's give them privacy." Aniya sa mga kasama nila sa loob ng private office ni Zachary. Tumingin siya kay Zachary, "call me when it's done." Zachary nodded. Kinuha ni Queen Ayesha at Luna Bree ang mga anak nila at lumabas ng kwartong 'yon. Ang tanging naiwan lang ay si Azleia, Zachary at Zacheuss. Mahigpit ang yakap ni Azleia sa anak. "Zacheuss, I hope that you will understand us. Gagawin namin 'to para sa kaligtasan mo." Naluluha niyang saad. Hindi niya inisip na dumating ang araw na mawawalay sa kaniya ang anak at bata pa ito ngunit may tiwala siya sa mga magulang ni Zachary na hindi nila pababayaan si Zacheuss. Niyakap naman ni Zachary ang mag-ina niya. "Zacheuss, I'm very sorry, but we need to unlink you to us. This is painful for us but it's for your safety. I hope that someday, when you grow up and if you remember everything. Don't be mad because we are doing this for your safety. I love you, son." Bilang isang bata, hindi maintindihan ni Zacheuss ang sinasabi ng kaniyang mga magulang. Yumakap na lang siya sa kaniya ina. Pakiramdam niya ay matagal silang hindi magkikita. Gusto niyang maramdaman ang init ng yakap nito. Sinuklay ni Azleia ang mahabang buhok ng anak. "I love you, Zacheuss." "Are you ready, Azleia?" Tanong ni Zachary sa kaniyang reyna. Tumango si Azleia. Hinalikan ni Zachary ang nuo ni Zacheuss bago siya tumayo at binuksan ang pinto. "Jariah, please." Jariah nodded and enter the room. Lumapit siya kay Prince Zacheuss at kumuha ng isang buhok nito. Napatingin si Jariah sa buhok ni Azleia na kulay puti rin saka napailing, "Zacheuss got your hair but he got Zachary's attitude. Hindi na ako magtataka kung lumaki ang anak niyo na kasinlamig rin siya ng yelo kapag makitungo sa ibang tao." "So wordy." Sabi ni Zachary. Jariah chuckled. "Put him down." He said to Azleia. Ibinaba ni Azleia ang anak. Lumapit si Azleia kay Zachary at yumakap sa braso nito. Jariah sighed and looked at Azleia and Zachary. "I will ask you one last time. Are you reall sure about this?" "Yes." Sagot ni King Zachary at Queen Azleia. "Okay." Sabi ni King Jariah. "Zacheuss, look at me." Hindi tumingin si Zacheuss kay Jariah. Ang tingin nito ay napunta ito sa mga magulang. "Mommy. Daddy." Napabuntong-hininga si King Jariah. Maingat niyang hinawakan ang baba ni Zacheuss at iniharap nito ang mukha sa kaniya. "Listen to me, Prince Zacheuss. From now on, forget that you are prince. Forget that you are King Zachary's and Queen Azleia's son. Forget about this place. Sleep and when you wake up, you are already far away from this place. But bear in mind, this is for your safety." Jariah casted while holding Zacheuss head. Unti-unting pumikit ang mata ni Zacheuss. Binuhat ni Jariah ang bata at inihiga ito sa sofa. Tumingin siya sa hari at reyna ng vampire coven. "It's done." Bumukas ang pinto at pumasok ang mga magulang ni Zachary. Niyakap ni Alliah si Azleia. "I promise, we will take care of Zacheuss." Tumango si Azleia, "thank you, Mom." Binuhat ni Vladimir si Zacheuss. "We will take care of him." Aniya sa mag-asawa. "Thank you, Dad." Sabi ni Zachary. "Mom, please take this." Ani Azleia at ibinigay kay Alliah ang isang bagay na nabalot sa puting tela. Nagtataka naman na kinuha ni Azleia ang ibinibigay ni Azleia, "what's this?" "It's my silver sword, Mom. Please give this to Zacheuss when he reached the right age. I hope he will take care of it." Sabi ni Azleia habang nakatingin sa anak. Ngumiti si Alliah, "don't worry, Azleia. Even if he won't remember you as his parents, but I know that you, as his parents will be remain in his heart." "Thank you, Mommy." "I already arranged everything. Ihahatid kayo ni Ryle sa airport." Ani Zachary. "Okay." Siniguro ni Zachary na walang nakakaalam ang tungkol rito. Nang makaalis ang mga magulang, hinawakan ni Zachary ang beywang ng asawa at nagteleport sila patungo sa balkonahe ng palasyo. Sa balkonaheng 'yon makikita mo ang buong harap ng palasyo. Nakita nila ang pag-alis ng isang limousine. Alam pareho ni Azleia at Zachary na ang mga magulang nila ang nakasakay kasama ang anak nila. Yumakap si Azleia kay Zachary. "Z..." "It's okay. Makikita pa natin ang anak natin." Alo ni Zachary kay Azleia na tahimik na umiiyak. Hinaplos niya ang likod nito. Napatingin si Zachary sa ibaba nang mapansin niya ang isang batang kamukhang-kamukha ni Zacheuss at kalaro nito ang anak ni Jariah at Layden. Jariah is really a wizard. Nakaya nitong gumawa ng clone ni Zacheuss. Tumingala siya sa kalangitan. Tonight, Zacheuss will die. WHEN night came. Everyone in the palace were already asleep, except the palace guards and some maids who are chatting. Gising pa rin sa mga oras na 'yon si Ryle. He will carry the task that was entrusted to him by King Zachary with no failure or else he's dead. "Kid, are you sure that you will complete the task without my help?" Mabilis na napatingin si Ryle sa nagsalita. He tsked. "King Jariah." For some reasons, he really dislike this king. Hindi niya alam ang rason kung bakit ayaw niya kay King Jariah. He just dislike him. "I'll help you." King Jariah offer his help. Tumingin siya sa kwarto ni Prince Zacheuss. Naroon ang clone ni Prince Zacheuss na ginawa niya. "Just make sure that you won't fail." Ryle said seriously. Ngumisi si King Jariah, "don't worry, little brat. King Zachary won't kill you even if I fail this one." "And why me? Dapat ikaw dahil ikaw ang gagawa. You help me anyway." Ryle said in sarcastic tone. Napailing si King Jariah. He casted a spell. Maya-maya lang ay nagkaroon na ng sunog. At nagsimula ng magkagulo ang lahat. Itinapat ni King Jariah ang palad sa kwarto ni Prince Zacheuss at lumakas pa ang apoy. Hindi kayang tignan ni Ryle ang nasusunog na kwarto ni Prince Zacheuss. Kahit naman clone lang ang nasa kwarto nito, hindi pa rin niya kayang tignan ang nangyayari. Napailing naman si King Jariah at hinayaan na lang ang butler ni Zachary. Nagkagulo na ang lahat. Nagtulong-tulong ang mga royal guards na apulahin ang apoy sa kwarto ni Prince Zacheuss but it was too late already. Prince Zacheuss were burnt inside his room. NAKAHINGA ng maluwang si Alliah at Vladimir nang makalabas sila ng airport ng Pilipinas. Mahaba rin ang naging oras ng biyahe nila. Tinignan ni Alliah si Zacheuss na natutulog sa bisig niya. "Let's go." Aya ni Vladimir sa asawa at hinawakan ang braso nito. Iginiya niya ito patungo sa isang sasakyan na naghihintay sa kanila. "Mukhang hindi pa nakakarating rito ang mga black vampires. Wala akong maramdamang presensiya nila." Ani Vladimir. "Don't trust too much your instinct, Vlad. You're already old." Nakangising sabi ni Alliah. Vladimir rolled his eyes. Hindi na lang siya nagsalita. Sinabayan na lang niya ang asawa sa paglalakad. Hawak niya ang mga bagahe nila. Using his free hand, inayos niya ang suot ni Zacheuss na hood. Nagtungo sila sa isang nakaparadang kotse. May nakatayong—kaagad na naramdaman ni Vladimir at Alliah na bampira ang lalaking nakatayo sa tabi ng kotse. Yumuko ito nang makalapit sila. " I pay respect to you, My Lady and My Lord. I'm Colin." "You must be Zachary's trusted comrade. Well, honestly, we don't know you. Walang sinabi ni Zachary tungkol sa'yo." Deretsong sabi ni Vladimir. "It doesn't matter, My Lord. Please..." Iminuwestra ni Colin ang nakabukas na pinto ng backseat. Kinuha niya ang hawak ni Vladimir na maleta at bag, inilagay niya ito sa compartment ng kotse. Pinauna ni Vladimir na sumakay si Alliah bago siya sumakay. "How long have you been here?" Tanong ni Vladimir kay Colin. "Twenty-five years, My Lord." Napatango si Vladimir at tumingin kay Alliah, "rest for awhile. Ako muna ang bahala kay Zacheuss." Kinuha niya si Zacheuss kay Alliah. Mula ng umalis sila sa palasyo at makarating sila rito sa Pilipinas, hindi pa gumigising si Zacheuss. Mukhang malakas ang spell na inilagay ni King Jariah sa bata. Sumandal si Alliah kay Vladimir. Hinayaan naman ni Vladimir ang asawa na magpahinga. "Colin." "Yes, My Lord?" "May black vampires ba dito?" Kumunot ang nuo ni Colin, "Black vampires?" Umiling siya. "I haven't encounter them here, My Lord." Napatango si Vladimir. "That's good. This is a safe place for us." "King Zachary told me that you're in danger, My Lord, so you need a place to stay." Natawa si Vladimir at napailing, "that kid. What else did my son told you?" Tumingin si Colin sa rearview mirror. "He also said that I need to make you safe, especially you son—" "My son?" Nagulat si Vladimir. But then realization hit him. Napatingin siya sa batang nasa braso niya. I wonder if what is happening now in the palace? Vladimir sighed. They agreed to cut all their connections and contacts for them to be safe. Hindi niya alam kung hanggang kailan na malalayo si Zacheuss sa mga magulang nito pero hangga't nasa kanila ang bata, hindi niya hahayaang mapahamak ito. He's Prince Zacheuss. And someday he will come back to their real world.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD