Minsan Pa AiTenshi Part 28 Dahil sa aking pag kapanalo sa singing contest maaga kong nai enrol si Meg sa kolehiyo sa kursong inhinyero at siyempre ibinili ko ito ng mga bagong gamit sa eskwela. Ang iba sa aking napanalunan ay aking itinabi at ang kaunti naman ay ibinigay ko kay Joem na siyang nag tiwala at pumilit sa akin upang kumanta muli. Ibayong saya ang aking nararamdaman sa araw araw na tuwing nakikita ko ang ngiti sa mukha ni Meg at Joem at dahil dito ay tila wala na akong mahihiling pa. Nag tuloy din ako sa trabahong ibinigay ni Mayor sa akin at iyon ang pag kanta sa bar na kanyang pag aari. Sa umaga ay nagkakartero ako at sa gabi naman ay pumapasok ako doon alas 7 hanggang alas 12 ng hating gabi. Yun nga lang naging isang malaking pag subok sa akin ang kumanta ng mga ingles n