III Nang makarating sila Hazel sa loob ng mismong pinadadausan ng kasiyahan, agad na tinawag si Joseph ng mga ka-banda nito na magtutugtug na sila sa una nilang kanta, hinayaan na lamang nila Hazel at Cross ang kaibigan. Naiwan naman ang dalawa sa harapan ng lamesa kong saan nakahain ang mga pagkaing animoy pang pulutan, may alak, orange juice, iced tea, soda, burrito, salted chips, fries, iba’t ibang flavour ng pizza, cheese with ham at kong ano-ano pa. Kumuha ng chips si Hazel at nilagay sa kamay niya, sumubo siya ng isa, nakita naman niya ang reaksyon ni Cross na nakangiwi, “bakit?” “Hindi healthy ang mga pagkain dito, isa pa wala pa tayong hapunan,” wika ng binata. Natawa na lamang ng mahina si Hazel sa pagiging health c