“ANONG NANGYARI sa kanya?” Hinarap ni Zia ang lalaking naka-uniform na siyang sumalubong sa kanila pagdating nila sa unang stable na nadaanan patungong Clubhouse. “Nadisgrasya si Kai sa gubat. Tumama ang ulo niya sa kung anong matigas na bagay. Hindi ko alam kung ano iyon dahil madilim doon. Puwede bang paki-asikaso na agad siya?” Sa tulong ng ibang tauhan na tinawag nito ay nagawa nilang maibaba nang maayos ang wala ng malay na si Kai mula sa kabayo. Pagkatapos ay siya naman ang inalalayan nitong makababa. “Natawagan na namin ang medical staff, Sir Reid. Papunta na sila rito.” “Good.” Binalingan siya nito pagkatapos. “And you are…?” “Zia—“ “Ah. Kaiser’s woman.” Hindi na niya ito nausisa kung paano siya nitong nakilala dahil dumating na ang ipinatawag na medical staff. Nak