NAGLALAKAD-LAKAD SI Zia sa paligid ng engrandeng Stallion Riding Club. Pansamantala siyang iniwan ni Kai sa isang restaurant doon upang magpalit ito ng uniporme nito. Required daw kasi sa mga members ng club na mag-uniform kapag naroon sila. Yep. Nadala nga siya ni Kai sa Stallion Riding Club nang walang kahirap-hirap. Naisip kasi ni Zia na kulang na siya sa paggala dahil lagi na lang siyang nakatutok sa pagpapatakbo ng bakeshop niya. Gusto rin niyang makalanghap ng sariwang hangin kahit paano kaya sumama na rin siya sa binata. Isa pa, may ilang bagay din siyang gusto pang matuklasan tungkol sa nararamdaman niya tungkol kay Kai. “But this place is really beautiful,” sambit niya habang pinagmamasdan ang magagandang tanawin sa paligid. Walang-wala sa mga nakikita niya ngayoon ang mga