CHAPTER 11

917 Words

 “SANAY AKONG ako lang ang lalaki sa buhay mo.  Kaya hindi ko maiwasang magselos kapag may ibang lalaking lumalapit sa iyo, Zia.” Muntik na itong masaksak ni Zia ng tinidor sa isinagot nito.  nagwala pa man din kanina ang puso niya dahil ang akala niya ay nagseselos nga ito sa kadahilanang espesyal din ang nararamdaman nito sa kanya.  Nagkamali siya. “You’re not the only man in my life.” “Yeah, well, that was different.  ‘Yung mga dati mong naging boyfriend, na hindi naman nagtagal, wala naman talaga ang mga iyon.  I don’t consider them as a part of your life.  Alam kong ako pa rin ang may pinakamalaking bahagi sa buhay mo.” Ang yabang talaga ng ungas!  Kunsabagay, may katwiran naman itong magyabang.  Wala naman kasi sa mga naging karelasyon niya noon ang tumagal ng mahigit isang buwan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD