NAGULAT si Sebby ng makita roon si Miles. Bihis na bihis ito at tila may kakatagpuin. Noong una ay sini-sino niya ito dahil malayo ang tingin nito at nang napalingon ito sa gawi ay nagtama ang mga paningin nila. Blangko ang mukha nito kaya hindi niya malaman kung ano ang reaksyon nito. Napalunok siya dahil batid niyang ganoon si Miles kapag naiinis. Nag-iiwas ng tingin at nang maglakad ito ay nakitang nakipagkamay sa isang lalaki. Hindi niya maiwasang mapakunot noo kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. "Hey, Sebastian nakikinig ka ba sa sinasabi ko?" Tanong ni Rebecca sa kaniya. Ang isa sa matalik na kaibigan ni Diana noon. Isa kasi itong wedding planner at plano niyang kunin ito pra sa kanilang nalalapit na kasal ni Miles. He don't want to put the burden on Miles shoulder lalo pa at al