KAPWA sila natigilan nang marinig ang sinabing iyon ni Manang Belin. Bakas sa labi ang labis na tuwa dahil nagawa na rin nilang aminin sa isa't isa ang mga damdaming hindi maamin-amin dahil sa takot na wala itong kasagutan. "Ako na muna ang kukuha kay Basty. Hala, anak magbihis ka na muna." Dagdag pa ng yaya Belin niya kaya bumitaw na siya kay Sebby at napangiti saka nagpaalam rito. Mabilis siyang pumanhik sa kuwarto at nang mailapat ang pintuhan ay napatalon pa siya sa tuwa. Kasabay ng pagpatak ng luha sabay haplos sa daliring may suot ba singsing. "Ma, Pa sana naririto kayo ngayon. Ang saya-saya ko, heto na ang pinapangarap ko," luhaang turan saka muling ngumiti at nagbihis. Pagbaba sa hagdan ay nabungaran si Sebby na nilalaro ang anak nila. Napatigil siya at pinagmasdan ang mag-ama n