Maluwag sa dibdib na iiwan ang propesyon na iyon. Kaya lamang siya nagpursige na maging alagad ng batas ay dahil sa magulang. At sa loob ng walong taon ay nagawa na niyang bigyan ng hustisya ang mga ito. Nabawi ang dapat ay sa magulang at sa pagkakataong iyon ay handa na siyang pamahalaan ang negosyong naging mitsa ng buhay ng mga magulang. Kamay ang dumantay sa kaniyang balikat. Ang yaya Belin niya ito habang nakatulog sa balikat nito ang kaniyang anak. Ngumiti ito. "Baka nabibigla ka lang anak," wika nito. Umiling siya. "Kahit hindi ko ito plano pero sa ginawa nilang ito. Siguro sa akin alam kong guilty ako pero iyong ginawa nilang lumusob dito na walang dalang sapat na papeles ay hindi makatao sa akin lalo pa at kabaro nila ako," katwiran dito. Nakitang nalungkot din ang mukha ito. "P