"Totoo ba iyan?" gagad na tanong sa kaibigan. "Sssshhhh! Baka marinig ka," bulong nito sabay akbay sa kaniya. "Totoo akong kaibigan kaya sinasabi ko ito sa'yo," dagdag pasaring pa nito. Batid na niyang sa reaksyon niya sa sinabi nito ay alam na nitong totoo ang haka nito. "Sa'yong reaksyon mukhang alam ko na," turan ni Alexa. Hindi niya tinugon ito. Napaisip tuloy siya kung totoo nga ang hinala niyang mapapasama si Sebby sa entrapment na gagawin ng kasamahan niya. Lalong hindi siya mapakali. Lalo pa nasa isip ang mga sinabi nito kahapon. "Oh saan ka pupunta?" agad na pigil ni Alexa sa kaniya. "Miles," pigil nito. "Kailan ang gagawing—" "Don't tell me pupunta ka rin? Alam mong hindi ka kasama roon?" giit na wika ng kaibigan. "Pwede ba sinabi ko sa'yo ito para lang pigilan mo si Sebby