MAKALIPAS ang sampung taon... "Clear!" wika ng doktor. Napailing si Martina nang deretso na ang tunog ng CPR machine. Ibig sabihin ay hindi na kinaya ng pasyente ang pakikipaglaban sa buhay nito. Hindi niya napigil ang pagtulo ng kanyang mga luha habang inaasikaso ang pasyenteng kamamatay lang. Naalala kasi niya ang Nanay niya sa ginang na namatay. Hanggang sa mga panahong iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nawala bigla sa piling nila ang kanyang ina. Pero ang pangako niyang makapagtapos ng pag-aaral ay naisakatuparan. Nakapasa din siya sa nursing board exam at ngayon ay nagtatrabaho siya sa malaking ospital sa Talisay Cebu kung saan din nagtatrabaho ang Kuya niya. Pagdating niya sa nurses' station ay nagulat siya nang madatnan ang punpon ng pulang rosas sa table niya at may ka
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books