NAGTATAKA si Martina bakit pinakain siya ni Dario ng marami. Kailangan daw busog na busog siya bago ang takdang oras na papasok sila sa ritual room. Sinuri din nito ang kalusugan niya, lalong-lalo na ang dugo niya. Tanghali pa lamang ay pinaghahanda na siya nito. Wala siyang ideya kung ano ang mangyayari sa kanya kapag ikinakasal siya kay Dario. "Hindi ba uso ang wedding gown sa inyo?" tanong niya kay Dario habang kinukuhaan siya nito ng blood pressure. Nasa loob sila ng kuwarto nito at nakaupo sa kama. "Maghuhubad ka rin naman bakit ka pa magsusuot ng wedding gown?" anito. "Maghuhubad? Bakit?" "Basta, malalaman mo mamayang gabi." "Wala ba tayong witnesses?" "Walang ibang makakakita sa ritwal na kasal kundi ikaw at ako, at ang magkakasal sa atin." "May pari din kayo?" "Ang dami mon