PAGDATING sa bahay ay nagulat si Martina nang pumalatak na si Mark. Nanggagalaiti ito sa kanya. "Ganyan ka ba makitungo sa mga professional na lalaki, Tina? Hindi basta-bastang doktor si Dr. Rivas! Kilala siyang Anatomist sa mundo! Hindi mo ba naramdaman na nabastos mo siya?" anito. "Kuya, masama bang tumanggi sa alok niya? Inaantok na ako at masama ang pakiramdam ko," depensa niya. "At tatarayan mo na lang siya basta, ganun?" "Pagtataray ba ang ginawa ko?" "Obviously yes! Hindi ako bulag para hindi mapansin na umiiwas ka habang isinisingit kita sa usapan namin!" Bumuntong-hininga siya. "At ano ba ang dapat kong ginawa? Magpa-cute sa kanya?" Hindi kaagad nakaimik si Mark. "He's a nice guy. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na inaabuso ang mga inosenteng babae. Katulad na lamang ng