Chapter 11

2966 Words

KUMAPIT si Martina sa braso ni Devey nang pangkuin siya nito. Walang awat sa paghinang ang kanilang mga labi. Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyayari ang lahat na iyon sa kanya. Kakaibang pananabik ang kanyang nadarama. Hindi siya bumitiw sa mahigpit na yakap ni Devey. Hindi siya nagmulat ng mga mata habang nagpapakalunod siya sa mainit na paghahalikang iyon. Mamaya ay naramdaman niya na naglalakad si Devey. Nakadama siya ng pagkahilo. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Hindi na niya namamalayan ang kaganapan. Naramdaman na lamang niya na wari lumilipad siya. Sandali siyang nakalimot. Nang manumbalik ang kamalayan ni Martina ay dagli siyang dumilat. Wala siyang makita. Napakadilim ng kapaligiran. Noon lamang niya naramdaman ang malambot na bagay na kinalalatagan ng hubad ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD