“You need to tell your family that I'm your boyfriend now,” wika ni Dylan habang pauwi kami sa bahay. Naging maayos ang pagpapakilala niya sa akin sa mga magulang niya, kaya gusto niyang pormal ko rin siyang ipakilala sa pamilya ko bilang boyfriend. “Huwag muna, hindi pa ako handa.” “Why aren't you ready yet?” “Hello! Binigla mo kaya ako. Hindi ka nga nanligaw sa akin.” “I can court you every day if you want.” “Para sa akin, hindi pa final na magkasintahan tayo. Dapat kaya kong sabihin sa’yo na mahal kita.” Tumawa siya. “Sinabi mo na ngayon.” “Hindi iyon ang gusto kong sabihin.” “It doesn’t matter. You're my girlfriend now, and you can't entertain other suitors anymore.” “Hays! Parang nakaka-stress agad ang may boyfriend.” “Fine, I’ll give you time. If you don't want to tell you