“Ikaw ba si Maria Sienna Meredith?” tanong ng isang staff ng Shailet Wedding Shop. Pagkatapos kong makausap si Aira, hindi na ako nagsayang ng oras. Agad kong pinuntahan ang shop para masukatan ng gown na isusuot ko sa kasal ni Aira. Ayoko namang madagdagan pa ang iniisip niya. Isang ngiti ang itinugon ko. “Ako nga po.” Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. “Tama nga ang sabi niya. Maganda ka. Halika na at susukatan kita.” Tumalikod siya at agad naman akong sumunod. Hindi naman ako naiinip habang sinusukatan dahil madaldal ang staff na tumutulong sa akin. Ipinakita rin niya sa akin ang disenyo ng wedding gown ni Aira, pati na rin ang design naming mga abay. “Okay na,” sabi niya. “Salamat,” tipid kong sagot. “Sa susunod na balik mo rito, siguradong wedding gown mo na ang susuka