Dylan POV. “Dylan, bakit mo naman pinahiya si Ashley?” tanong ni Sienna sa akin. “Ano bang gusto mo? Ikaw ang mapahiya?” tugon ko. Umiling siya. “Syempre ayoko. Naawa lang ako sa kanya.” Seryoso akong tumingin sa kanya. “Sino ba ang pipiliin mo? Si Ashley o ako?” “Bakit kailangan kong mamili?” “Sagutin mo ang tanong ko.” Umiwas siya sa akin ng tingin. “Syempre, ikaw ang pipiliin ko. Lagi mo kaya kong nililibre at hinahatid at sundo.” Bahagyang umangat ang kilay ko. “Dahil lang doon?” “Hmm… mabait ka at sweet.” Lumapad ang ngiti ko. “Mabuti naman at ako ang pinili mo.” “Hoy, isali n’yo naman kami sa pinag-uusapan n’yo,” wika ni Andrei. Tinitigan ko sila ng masama. “Okay, hindi na kami makikialam sa inyo,” tugon ni Andrei. Kung hindi pa dumating ang professor namin ay hindi ka