“Ano bang nangyari kay Dylan?” bungad na tanong sa akin ni Mama nang makauwi ako ng alas-onse ng gabi. Ang driver lang nila ang naghatid sa akin pauwi. Nilapag ko ang bag ko sa mesa at umupo sa sofa. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa nangyari. “Napagtripan ng mga gangster sa school,” tugon ko. Tumayo sa harapan ko si Mama at namewang. “Anong gangster? Sindikato ba ‘yan?” Umiling ako. “Mga sanggano sa school.” “Abah! Akala ko ba walang ganyan sa school n’yo?” “Mama, walang gano’n kahit saan lugar may masamang tao.” “Maria Sienna, ‘wag na ‘wag kang sasali sa mga ganyang grupo. Baka mamaya mamatay ka na lang sa bugbog.” Kumunot ang noo ko. “Bugbug? Bakit naman ako mabugbug?” “Hindi ba’t ganyan ‘yung mga nababalitaan na mga estudyante na namamatay dahil sa hampas ng mga grupo?”