Chapter Three:
"Ugh, ang sakit!" Lumiyad ako para ayusin ang nabali ko yatang buto dahil sa pagbubuhat ko sa babaeng `to.
Ang sexy sexy tapos ang bigat. Para akong nagbuhat ng napakalaking bato sa sobrang bigat, eh.
Tinitigan ko si Cath sa kama ko, tulog na tulog s'ya at wala ng kamalay malay sa ginawa mga nangyayari. Eh, kung hindi ko pala naisipang pumunta sa bar edi kung ano ng nangyari sa babaeng `to?
Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang frustration at saka naupo sa dulo ng kama. Kinagat ko ang labi ko at inisip kung saan ako matutulog ngayon. Isa lang ang kwarto sa condo ko, at ngayon lang may makikitulog dito! Bwiset talaga.
Nilingon kong muli si Cath at ngumisi. Bahala s'ya sa buhay n'ya, kung magalit s'ya sa akin bukas dahil magkatabi kaming matulog. Una, s'ya naman ang may kasalanan niyan. Maglalasing lasing s'ya eh, mabuti nga at ako ang katabi n'ya kapag nagising s'ya. Eh, kung ibang lalaki na ang katabi n'ya? Hindi ko na s'ya papakasalan `pag nangyari `yon! Gusto ko virgin s'ya kapag ikinasal kami.
Pero teka nga, eh, ano naman kung hindi na s'ya virgin? Eh, hindi naman n'ya ako pai-score-in! Kainis.
"Hoy," tinapik ko ang hita n'ya para sana gisingin pero wala eh, talagang lasing.
Naghubad na lang ako ng damit at pantalon. Inaantok na ako at maaga pa ang gising ko bukas, bahala na.
Gorgeous Catherine's Point of View:
Ang sakit ng ulo ko.
Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero s**t, sobrang sakit talaga pati mata ko hindi ko maidilat. Bakit nga ba ako naglasing kagabi? Ah, oo nga pala. Kasi sabi ni Lisa, dapat daw i-enjoy ko muna ang nalalabing oras ko bilang dalaga. Ilang buwan na lang kasi, mag aasawa na ako at kapag nangyari iyon hindi ko na magagawa ang mga gusto kong gawin.
Sa wakas ay naidilat ko rin ang mga mata ko, unang bumungad sa akin ang kulay puting kisame. Teka? Kulay puti? Nasa hospital ba ako? Nilakihan ko ang mga mata ko at luminga-linga sa paligid.
Hindi ito hospital, kulay black ang dingding at may mga paintings din na abstract. Ang kama na hinihigaan ko ay kulay puti pati na rin ang kumot. Halos kulay itim at puti lang ang kulay ng buong kwarto. Nasaan kaya ako?
Lumingon ako sa tabi ko at laking gulat ko nang may nakatalikod mula sa side ko na lalaki. Naka-topless iyon at nakataas pa ang isang kamay sa ulo n'ya habang natutulog. Ang sexy ng likod n'ya, pero natatakpan ang lower part n'ya ng kumot...
Biglang rumehistro sa akin ang lahat, s**t! Bumangon ako at niyugyog iyong lalaking katabi ko.
"Hoy! Hoy! Gising kuya!" Patuloy ko s'yang niyugyog hanggang sa humarap s'ya sa akin.
At kahit pikit pa ang mga mata n'ya, g**o-g**o ang buhok at may muta pa ay kilalang kilala ko s'ya!
"Cash! Hoy paano ako napunta dito?"
"Dinala kita..." simpleng sagot n'ya at kinuha ang unan na ginamit ko kanina saka tinakip sa mukha n'ya.
Kinuha ko iyon at inihagis sa lapag. Inis na dumapa naman s'ya kaya lumihis iyong kumot at nakita ko na nakaboxers lang s'ya.
"Hoy! Sagutin mo ako kung hindi sisipain talaga kita!"
"Shinagot na kita, patulugin mo muna ako. Puyat na puyat ako," sagot n'ya ulit.
"Paano ako napunta dito? May nangyari ba sa atin? Sagutin mo `ko! Mababaliw na yata ako!"
Niyugyog ko ulit s'ya, hindi na s'ya nagsalita kaya dinaganan ko s'ya at inupuan ang pwet n'ya.
"Iyaaaahh!"
"Aah! Aray!" sigaw n'ya at mabilis na bumangon. Natumba ako sa kama habang s'ya ay galit na nakatingin sa akin.
"Una, nakarating ka dito kasi lasing na lasing ka kagabi at maswerte ka dahil nakita kita, kung hindi ibang lalaki na ang nag-uwi sa `yo kagabi."
Napaatras ako sa kama, nawala yata iyong sakit ng ulo ko. Galit talaga s'ya,
"Pangalawa, oo may nangyari sa atin!" galit na sigaw n'ya.
Napasinghap ako sa sinabi n'ya, napatakip ako bigla sa dibdib ko at tinitigan s'ya ng masama.
"M-may nangyari sa atin?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Napatingin ako sa katawan ko at napansing kumpleto pa naman ang suot ko. At wala akong nararamdamang masakit ni isa sa akin. Nagsinungaling lang ba si Lisa sa sinabi n'yang masakit makipagsex?
"Oo meron! Sa panaginip ko, kaya hindi ako makatulog kagabi. Binangungot ako, nakikipagsex daw ako sa `yo. Kaya pwede? Patulugin mo na ako? Ha?!" bulyaw n'ya at saka humiga ng muli sa kama at dumapa.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi n'ya. So, nadistorbo ko pala s'ya kagabi? Napakamot ako sa ulo ko. Nakakahiya naman...
Nakakainis kasi si Lisa inaya-aya pa ako sa bar! Teka, nasaan ba `yon si Lisa kagabi? Hays!
Tumayo na lang ako kahit masakit pa talaga ang ulo ko. Kailangan kong mag-sorry sa pamumurwisyo sa kanya.
Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Maghihilamos na muna ako, kahit wala ng toothbrush. Pagkatapos kong maghilamos ay kinuha ko na lang iyong tuwalya na nakasabit doon kahit hindi sa akin. Alangan naman ipamunas ko iyong damit ko?
Ang bango naman nito, amoy candy. Bakit amoy candy itong tuwalya n'ya? Siguro may babae s'yang dinadala dito at ganito ang pabango? Bahala nga s'ya riyan.
Lumabas ako ng banyo at natutulog pa rin s'ya kaya napagpasyahan kong lumabas at magluto ng almusal...kahit hindi naman talaga ako marunong magluto! Paano kaya `to?
Binuksan ko ang ref n'ya at nagtingin tingin kung anong meron. May mga karne, isda, gulay...pero hindi talaga ako marunong magluto! Nasaan na ba iyong wallet ko? Nasaan nga pala iyong bag ko? Napakamot ako sa ulo at nagpasyang magtimpla na lang ng kape.
Buti na lang marunong akong magtimpla ng kape. Habang hinahalo ko iyong kape ay bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si Cash na nakaboxers lang. Hindi talaga s'ya nagbihis para sa akin? Pero kung sabagay dapat masanay na ako kasi sa kapag kinasal na kami magmomodel na s'ya sa harap ko nang nakaganyan.
"May pagkain na ba?" he said in a husky tone.
Shit, ang gwapo. Teka, ano? Hindi kaya s'ya gwapo, may abs lang s'ya pero hindi s'ya gwapo!
"W-wala eh, kape lang."
Lumapit s'ya sa lamesa at inabot ko naman sa kanya iyong tinimpla kong kape.
"Thank you, pero hindi ako mabubusog sa coffee lang."
Humigop s'ya sa tasa ng kape.
"Ang arte, buti nga meron," sagot ko sabay irap.
"Seruously? Araw-araw kape lang ang ipapainom mo sa akin tuwing umaga kapag kinasal na tayo?"
Umawang ang bibig ko. Kumamot ako sa ulo at hindi alam ang isasagot. Nakakahiya naman kasing sabihin na hindi ako marunong magluto `di ba?
"Pwede naman tayong kumuha ng katulong. Kasi you know? Magtatrabaho pa rin naman ako kapag kinasal tayo."
Very well said! Buti may naisagot ako. Tama lang iyong sagot ko! Kukuha kami ng katulong!
"Ayoko ng katulong. Gusto ko ikaw ang magluluto,"
Tumayo s'ya at sinundan ko naman s'ya ng tingin. Lumapit s'ya sa ref at binuksan iyon.
"Paano kapag busy tayo pareho? Edi ano, walang maglilinis or magluluto?"
Sinara n'ya ang ref, may hawak na s'yang dalawang itlog.
"Nakakapaglinis pa rin ako ng bahay ko tuwing linggo," sagot n'ya. Tumigil s'ya at tiningnan ako, napalunok ako dahil doon. "Kung hindi ka marunong magluto at maglinis, pag-aralan mo na. Ang pinakaayaw ko sa babae ay `yong hindi marunong magluto at hindi marunong maglinis,"
-
"Ma'am, baka po magkasakit kayo sa ginagawa n'yo? Linggo ngayon, magpahinga muna kayo buong linggo kayong nagtatrabaho sa opisina," sabi ni manang Lucia habang sinusundan ako.
Nagma-mop ako ng sahig ng bahay namin. Hindi ko alam kung bakit parang tinamaan ako sa sinabi ng Cash na `yon! Bwiset talaga, kaya ito ako ngayon at sinusubukan matuto sa paglilinis.
"Pabayaan mo na ako, manang. Minsan lang ako sipagin. Pahinga na po muna kayo," nakangiting sabi ko sa kanya.
"Pero ma'am," kumamot s'ya sa ulo. "Hindi naman po kasi nalilinis ang sahig."
Napahinto ako sa paglalampaso ng sahig at lumingon sa paligid. Napakamot ako sa ulo, parang walang nangyari...
Inabot ko kay manang ang mop at kakamot kamot sa ulo.
"Hindi yata para sa akin ang paglilinis manang, susubukan ko sa kusina! Magluluto ako, baka nagmana ako kay mommy na magaling magluto!"
Tumakbo ako papunta sa kusina.
"Naku ma'am! Wag na po please! Ako na lang po ang magluluto! Ma'am!" Sigaw n'ya pero hindi ako nakinig. Nagpatuloy ako papunta sa loob ng kusina at naghalungkat ng pwedeng lutuin doon.
"Humanda kang Cash ka, ipapatikim ko sa `yo ang pinakamasarap na pagkain na matitikman mo sa tanang buhay mo!"
-
"Aray! Aray! Lintek kang isda ka! Naghihiganti ka ba dahil sa mga mangingisda na humuli sa `yo?!"
Ang sakit ng kamay ko! Natalsikan na ng mantika!
"Ako na po kasi ma'am," nilingon ko si manang Lucia na nakaupo sa highchair.
"Paano ba magluto ng pritong isda manang? Bakit nila ako sinasaktan?"
Tumayo si manang Lucia at kinuha ang spatula sa akin at binaliktad ang isda. Ako naman ay nagtago sa likuran n'ya dahil tumatalsik na naman ang mantika, pero kahit gano'n parang hindi nasasaktan si manang! Ang galing n'ya!
"Dapat kasi, mainit ang kawali bago mo ilagay ang mantika, dapat rin mainit na ang mantika bago mo ilagay ang isda. Tapos tatakpan mo para madali maluto. Gets?"
Tumango-tango ako. Oo siguro gets ko na better luck next time.
"Tapos ano pa manang Lucia?"
"Tapos, hindi ka matututo hangga't hindi ka nasasaktan. `Yang sakit na `yan, iyan ang magpapatatag sa `yo. Iyan ang dahilan kaya natututo tayo. Parang pagpiprito ng isda, dapat matiyaga ka at titiisin mo bawat talsik ng mantika. Kasi kung hindi, hindi magiging maayos ang pagkakaprito at higit sa lahat hindi ka matututo magprito."
Pinanliitan ko ng mata si manang.
"May pinaghuhugutan ka manang?"
Lumingon s'ya sa akin.
"Meron."