Chapter Five;
"So kumusta ka na?" tanong n'ya sa akin pagkaalis ng waiter na nagdala ng order namin.
"Ito ayos lang, maganda pa rin as usual."
Ngumiti s'ya at tumango. Yumuko s'ya at kinuha iyong mango shake na in-order n'ya. Sumimsim s'ya doon pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin sa akin.
"Oo, maganda ka pa rin talaga." He said then smiled at me.
"Huwag mong sabihin na crush mo pa rin ako?" pang-aasar ko sa kanya.
Kumamot s'ya sa batok n'ya at mataman akong tinitigan.
"Yeah, crush pa rin kita hanggang ngayon. Maganda ka naman kasi talaga."
Tumawa ako, namumula kasi ang pisngi n'ya. Katulad na katulad pa rin noong highschool kami kapag inaasar s'ya ng mga barkada n'ya sa akin. Nagtataka nga ako kung bakit hindi n'ya manlang ako niligawan.
"Binibiro lang kita, namula ka naman agad." Sabi ko at saka humalakhak.
"Well, I'm serious. Totoong crush pa rin kita," pag-amin n'ya kahit halatang nahihiya pa rin s'ya.
Nagkibit balikat ako at uminom na rin sa mango shake ko.
"Alam mo Fred, kung hindi ka sana torpe edi sana tayo na noon pa," I said honestly.
Bigla s'yang nabulunan sa iniinom n'yang mango shake kaya napatayo ako at lumapit sa kanya.
"Ayos ka lang? Dahan-dahan kasi sa paghigop ng mango shake," hinagod hagod ko ang likuran n'ya.
Umiling-iling s'ya at sinenyasan ako na bumalik na sa upuan ko.
"No, I'm ok. Nabigla lang kasi ako sa sinabi mo," nakangiting sabi n'ya. "So, kapag niligawan ba kita ngayon may pag-asa ako?"
Nagulat ako sa tinanong n'ya. Kung noon oo, at baka sagutin ko pa s'ya pero ngayon kasi iba na.
"Hindi na pwede eh," sagot ko. Medyo nalungkot tuloy ako, gusto ko rin s'ya noong highschool kami. Naghihintay kaya ako na ligawan n'ya ako pero hindi n'ya ginawa. Torpe kasi. Parang ayoko na tuloy pakasalan si Cash.
"Why? May boyfriend ka na ba?" tanong n'ya.
Umiling ako. Wala nga.
"Oh, wala naman pala eh, why not?
"Wala nga, pero fiancé meron." Inangat ko ang right hand ko at ipinakita sa kanya iyong engagement ring namin ni Cash, "See? I'm engaged."
Sumimangot s'ya bigla. Natawa ako kasi mukhang na-dissapoint s'ya.
"Okay, pero kung sasaktan ka n'ya you can call me," may kinuha s'ya mula sa bulsa na nasa dibdib n'ya at ibinigay n'ya sa akin. "This is my bussiness card, you can call me anytime."
Inabot ko naman iyon at tumango. Inilagay ko iyon sa bag ko, napansin kong bigla iyong phone ko na umiilaw.
"Wait," kinuha ko iyon at bumuntong hininga, si Cash. Panira talaga ng moment.
"Oh, aalis na rin pala ako kasi may pupuntahan pa ako," paalam n'ya.
"Okay sige ingat!"
Tumayo na s'ya sa upuan at humalik sa pisngi ko 'tsaka nagbabye. Saktong namatay iyong tawag.
Nakakainis talaga `tong Cash na `to, sarap sakalin!
Kinuha ko na lang iyong bag ko at sinukbit sa balikat ko.
"Aalis na ako, pakisabi kay mommy!" sabi ko doon sa server na malapit sa akin.
"Sige po ma'am," sagot n'ya.
Naglakad na ako palapit ng pinto nang muling tumunog ang phone ko. Sinagot ko iyon agad at itinapat sa tenga ko.
"Hey, thank you sa ulam. This is my favorite!"
Napangiti ako, parang biglang nawala ang galit ko. Syempre success ang pinaghirapan ko-este ni mommy. At saka favorite rin pala n'ya iyon?
"Oh, talaga? Buti iyan rin ang paborito ko," sagot ko.
"We have the same favorite ulam, I think we are meant to be."
Parang nabilaukan ako sa sarili kong laway sa sinabi n'ya. Bwiset.
ko ang glass door ng restaurant at tuluyang lumabas.
"TV show lang ang meant to be, Cash. We are not meant to be, pinagkasundo tayo ng mga magulang natin."
"Ouch, it hurts baby."
"Ewan ko sa `yo! Ibababa ko na `to."
"No, no! Magkita tayo, gusto ko sanang mag-sorry sa `yo kanina at saka may ibibigay ako sa `yo, kapalit ng masarap mong sinigang."
Nanliit ang mata ko, masarap kong sinigang? Well... akala ko ako ang masarap.
Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at naglagay ng seatbelt.
"Ok, anong oras?"
"Ngayon na, I'm here in Brilliantes' parking lot."
"Okay."
Pinatay ko na ang tawag at inilagay na iyong phone ko sa bag ko. Binuhay ko ang makina ng kotse ko at pinaandar iyon. I'm excited, kasi marunong rin naman palang mag sorry at magpasalamat itong si Cash.
Napangiti ako habang nagmamaneho. Akala ko hayop talaga si Cash. May itinatago pa rin pala syang kabaitan. Kikiligin na yata ako, ah!
Malapit lang naman iyong restaurant ni mommy sa Brilliantes kaya nakarating agad ako. Naaninagan ko agad ang kotse n'ya. Nandoon s'ya sa hamba ng kotse n'ya at nakasandal. Nagtetext pa at pangiti ngiti. Sino naman kayang ka-text n'ya? Bahala nga s'ya, pakielam ko ba?
Ipinarada ko iyong kotse ko malapit sa kotse ni Cash. Nakita ko namang lumingon s'ya sa akin. Kumaway s'ya sa akin at ngumiti. As usual, ang gwapo pa rin n'ya. Mukha s'yang koreano. Pwede ko na nga s'yang tawaging oppa! Kahawig s'ya ng crush kong si Yook Sungjae, mas macho lang s'ya ng konti doon.
Teka nga, pinupuri ko ba s'ya? No! Hindi, dinidescribe ko lang s'ya.
Lumabas ako ng kotse ko at isinara ang pinto. Agad naman s'yang lumapit sa akin.
"Oh, ano na?" tanong ko at naglahad ng kamay, naghihintay sa ibibigay n'ya.
Umangat baba ang kilay n'ya at mas lumapit sa akin. Namamanyakan ako sa kanya kapag ganyan s'ya.
"Sorry sa narinig mo kanina, ano kasi..." Panimula n'ya.
Umiling ako at saka ibinaba ko na ang kamay ko. Mukhang mangangawit lang ako, eh.
"Wala `yon, sasanayin ko na ang sarili ko."
Kinagat n'ya ang labi n'ya at mas lumapit pa sa akin.
"Oh, akala ko may ibibigay ka sa `kin bilang pasasalamat sa pagbibigay ko sa `yo ng sinigang?"
Napangiti s'ya ng malawak. Nangunot ang noo ko lalo na ng hawakan n'ya ang bewang ko at mas inilapit n'ya ako sa kanya. Diniin pa n'ya ang sarili n'ya sa akin na mas lalong nagpakilabot sa mga balahibo ko.
"H-hoy! N-nasaan na?" Nauutal kong tanong. Diyos ko, anong gagawin nito.
"Ito na..."
Bumaba ang mukha n'ya sa akin at bigla akong hinalikan sa labi. Nanlaki ang mga mata ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. Sandali akong natigilan, ramdam na ramdam ko ang labi n'ya.
Mabilis pa sa alas kwatro ay tinulak ko s'ya at sinampal.
"Putangina mo, ah!"
Sinampal ko pa s'ya sa kabilang pisngi dahilan para mapaatras s'ya. Galit na ibinaling n'ya ang tingin n'ya sa akin.
"Aba't bakit mo ako sinampal? Binigyan na nga kita ng thank you kiss!"
Siya pa talaga ang galit ha!
"Gago ka! Gago ka talaga, Cash! Hindi na kita papakasalan! Bahala ka kung hindi mo makuha ang kumpanya ng tatay mo! Bwiset ka! Manyak!"
Nanlaki ang mga mata n'ya at parang biglang nataranta.
"No, no! Sorry Catherine. Akala ko kasi---"
"Akala mo lang iyon! Gago!"
Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at mabilis na pumasok doon. Binuhay ko ang makina ng kotse ko, pero humarang s'ya sa harapan ng kotse.
"Sagasaan mo na lang ako kung hindi ka na magpapakasal sa akin," naiinis na sabi n'ya.
"Edi go!"
Pinaandar ko ang kotse, dali-dali naman syang umalis sa harapan. Nagtatatakbo. Kita mo na, hindi naman pala magpapasagasa!
Bwiset! Akala ko pa naman may ibibigay talaga s'ya sa aking thank you gift! Kiss pala ang ibibigay n'ya, and worst that is my first kiss!
Naiiyak na ako. Alam kong magkikiss rin naman kami kapag kinasal kami, pero hindi ako ready at nakakadiri dahil hindi ko alam kung saan humalik yung labi n'ya kanina! Baka mamaya humalik pa `yon sa perlas ng silanganan ng babaeng ka-s*x n'ya kanina! Bwiset talaga, nakakadiri.
Pinunasan ko ang pisngi ko dahil hindi ko namalayang may naglandas na palang luha mula sa mata ko. Nag-ring ang phone ko. Kahit hindi ko iyon tingnan alam kong si Cash iyon. Pero bahala na, ang sabi ni mommy, na sa akin naman daw ang desisyon kung papakasalan ko si Cash o hindi. Hindi ko na s'ya papakasalan!
Hindi ko maaatim na gano'ng klaseng lalaki ang makakasama ko sa araw araw! Bukod sa babaero na, manyak pa, tapos baka may aids pa `yon!
Umuwi akong inis na inis pa rin. Hindi ko pinansin ang mga kasambahay na nakakasalubong ko, at mabuti na lang hindi pa nakakauwi sila mommy at daddy. Pag-iisipan ko pa kung paano ko tatanggihan iyong kasal namin ni Cash.
Pagkapasok ko sa kwarto ay nag-ring muli ang phone ko kaya sa inis ko ay pinatay ko iyon. Bahala s'ya sa buhay n'ya! Nakakadiri! Magpatest na kaya ako bukas? Baka nahawa na ako sa sakit n'yang aids! Dumikit pa naman yung laway n'ya sa labi ko. Kadiri, gano'n ba talaga kapag hinalikan may kasamang laway? Tapos tapos...ang lambot ng labi n'ya at ang bango bango n'ya...
Pero kadiri talaga, kasi baka humalik talaga iyon sa perlas ng babaeng ka-s*x n'ya kanina.
Bwiset ka talaga Cash Ford Brilliantes! Hindi na kita papakasalan!